Advertisers
HINDI na bago ang mga nakaraang crisis at iba pang trahedya na nangyari na ngayon ay nagbibigay ng malaking problema at kahihiyan sa dangal ng Pilipinas at sa sambayanang Pilipino.
Ang mga kritiko hanggang ngayon ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos (PBBM) at iba pang mga naging Pangulo ng bansa ay hindi ligtas sa pagbatikos ng ibang bansa, at kung inaakala nila na dahil kinokondena nila ang nangyaring trahedya nung mga nakaraan, sila ay “ligtas” at “dapat na hangaan.”
Ang kapalpakan at malaking kahihiyan na nangyari noong mga nakalipas na panahon ay hindi lamang nakatuon sa kanila nakaturo ang mga daliri ng paninisi.
Hindi ang mga “palpak” na gawain ng mga nakaraang administrasyon ang may kasalanan.
Hindi lamang ang mga commanding officials ng Armed Forces of the Philippines (AFP), pinuno ng Philippine National Police (PNP), lokal na mga opisyales at pambansang pamahalaan ang dapat sisihin sa kahiya-hiyang pinaggagawa ng mga nakaraang administrasyon ang dapat sisihin upang ang bansa natin ay gawing punching bag at pagkondena ng mga iba-ibang bansa partikular ang Hong Kong, Singapore, China, Canada, Amerika, etc.
Ang sisi ay dapat na ibagsak sa ating lahat na mga Pilipino.
May tudyo noong panahon ni Macoy na tayo raw ay isang bansa ng milyong Pilipinong bobo at isang henyong buktot na pangulo at mga kasabwat na mababagsik na kasamang opisyal sa pamahalaan, sa pulisya, sa military at sa mga hukuman.
Ang pagtukoy ay ang malaking batik sa ating kaluluwang Pinoy at ito ang kultura ng walang pakikialam.
Nasanay na tayo sa ‘kami-kami.’ ‘sila-sila’ at nakalimutan natin na tayo ay iisang bansa, at ang katotohanan ng kasabihan: Ang sakit ng kalingkingan ay dama ng buong katawan!
‘Wag nating sisihin ang iilan, kungdi tingnan sa kabuuan.
Hindi sa kung ano pa man, dapat na bigyan ng matinding alalay lagi ang lahat na nagpapatakbo sa lokal o pambansang pamahalaan kung may mga matitinding krisis o trahedya na nangyari.
Pero umano ang media – na sinasabing tinig ng bayan – ay ano ang ginagawa?
***
Konting kibot, upak sa mga mali o di sinasadyang pagkakamali.
Ga-buhok na mali, ginagawang lubid na pambigti sa mga opisyal ng mga admnistrasyon.
Imbes na pag-unawa at pag-alalay, naglalagay ang media at ang mga nasa oposisyon ng mga pako at harang upang ang mga administrasyong nasasangkot noon at ngayon sa mga matitinding trahedya at krisis ay hindi makagapang at makatayo at makalakad at makatakbo.
Walang mali kungdi ang nakaupo at ang sampay-bakod na kritiko ang laging tama at may kahenyuhan na gawin ang solusyon sa mga nakikita ng problema.
Sa krisis ng pamamahala at kabuktutan ng mga panahon ni Macoy ay lumawig dahil sa ating walang pakikialam, at ang mga nakaraan na taon ng mga nakaraang pamamahala na higit sa isa o sampu ang ibinigay na kahihiyan sa ating kaluluwa bilang bansa, ito ay atin na bang nakalimutan.
Ang bahid ng mga nakaraang pagkakamaling ito ay minana at pinapasan lagi ng mga bagong pamahalaan at sa halip na tayo ay tumulong upang “makinalikat” at “makipasan”, mistulang sa pasan ni PBBM, naglalambitin pa tayo sa mabigat na kasalanan ng nakaraan upang siya ay tuluyang bumagsak at mamatay.
Ang pagbagsak ni Preidente Bongbong Marcos ay pagbagsak din nating lahat.
Ang krisis ng mga nakaraang Pangulo at ni PBBM ay krisis nating lahat.
***
Yang mga Community Pantry na hanggang ngayon ay nag-e-exist ay dapat nating tulungan at alalayan dahil kahanga-hanga sila at dapat na suportahan, kasi hindi naman talaga makakaya ng gobyerno na malutas ang bigat ng problemang dala ng mga nakaraang krisis at kasaluyang suliranin sa panahon ngayon ng Marcos administration.
Tungkulin din natin na tumulong at pagaanin ang binabalikat na mga preoblema ng gobyerno.
Imbes na mangantiyaw at manisi, tumjlong na lamang tayo.
Tandaang kasama tayo sa pagbagsak ng gobyerno.
Sa panahong ito, mas marapata na magkaisa tayo.
Saka na tayo maglaban uli kung nakabangon at malalakas na uli tayo.
Paalala: Sa pag-aaway natin, ang matutuwa ay ang China, period!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.