Advertisers

Advertisers

PAGBABALIK NG MGA KOMUNISTANG-TERORISTA

0 7,400

Advertisers

I-SHARE ko lang sa inyo ang magandang pahayag ng aking kaibigang si Flosemer Chris Gonzales, Prosecutor 2 at taga-pagsalita ng Region 6 Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Sabi ni Prosecutor Gonzales, naguumapaw ang kaligayahan ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF sa ngayon dahil ang National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay pinamumunuan ng dalawang payaso o mga “clowns”.

Kung noon daw na pinamumunuan ang NTF-ELCAC nila National Security Adviser Ret.Gen. Hermogenes Esperon at National Commission on Indigenous People Secretary Allen Capuyan, ay sigaw ng sigaw ang mga CPP-NPA-NDF na lusawin na ang Task Force, ngayon ay patawa-tawa na lamang ang mga komunistang-teroristang mga ito, dahil sa bagong pamunuan ng NTF-ELCAC ay pawang mga “clown” lamang.



Walang kahirap-hirap nga raw, ang CPP-NPA-NDF na palakasin muli ang kanilang hanay upang makapag-hasik ng kadiliman at kaguluhang sa bansa, dahil ang NTF ELCAC na ngayon ay nasa ilalim ng pamumuno nila Clarita Carlos at Emmanuel Salamat ay malamya.

Si Carlos at Salamat, para kay Prosecutor Gonzales ay mga payasong walang kaalam-alam o nagtatanga-tangahan lamang, o di kaya naman ay nais magpatawa na lamang.

Dahil ngayon, ang mga CPP-NPA-NDF ay nagtatawanan na lamang sa mga aksiyon nila Carlos at Salamat bilang NTF-ELCAC leaders.

Ang dalawang opisyal na ito ay wala rin magawa kung di sisihin, laitin, at balyahin ang mga dating opisyal at kasalukuyang mga tauhan ng Task Force, imbes na pasalamatan at ipagpatuloy ang kanilang mga nagawa para pilayan at balian ng sungay ang mga komunistang-terorista.

Di nga kataka-taka na sa mga susunod na mga araw ay makabalita na naman tayo ng mga pagpaslang o pag-ambush sa ating mga sundalo, kapulisan at maging inosente nating mga kababayan sa mga kanayunan.



Pinagtatanggal pa nga nila Carlos at Salamat ang mga taong gumalaw para mapagtagumpayan ng NTF-ELCAC ang misyon nitong ilapit ang taong-bayan sa pamahalaan at iwaksi ang mga kinakalat na maling impormasyon ng CPP-NPA-NDF.

Kung ganito nga naman katanga ang mga naitalaga ni Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) sa NTF-ELCAC, di malayong mangyari na bumalik ang lakas ng CPP-NPA-NDF. At kalaunan walang ibang masisi ang taong-bayan kung di si PBBM.

Sana nga, ay maalimpungatan si PBBM sa maling diskarteng ito sa NTF-ELCAC.