Advertisers

Advertisers

PBA; Kings nilatigo ang FiberXers, 115-96

0 234

Advertisers

Laro sa Biyernes
PhilSports Arena

(3:00pm)
SMB vs. MER
(5:45pm)
ROS vs. MAG



IKINANDADO ng Barangay Ginebra ang ikatlong puwesto habang bukas ang posibilidad na makahirit sa pangalawa sa bisa ng 115-96 paghampas sa Converge sa penultimate play date ng PBA Commissioner’s Cup sa PhilSports Arena nitong Miyerkules.

Sa balansyadong laro mula sa kanilang core rotation, nanguna ang Gin Kings sa FiberXers sa isang virtual playoff para sa ikatlo, nagtapos sa 9-3 laban sa 8-4 na kartada ng huli.

Pagkatapos ay may tinatanaw pa ring oportunidad para sa Ginebra na saklitin ang pangalawang puwesto at ang krusyal na twice-to-beat na insentibo sa quarterfinals.

Pero mangyayari lang iyon kung matalo ng Rain or Shine (5-6) ang Magnolia (9-2) sa huling laro ng single-round-robin elims sa Biyernes sa parehong playing venue.

Kung hindi, ang Hotshots ang magiging pangalawang seed sa likod ng top-seeded Bay Area Dragons, na tatangkilikin ang win-once bonus laban sa dalawang lowest seeds sa quarterfinals.



Sa senaryo na ito, ang Kings ay itatapon sa isang best-of-three quarterfinals showdown laban sa sixth seed.

“We’re No. 2 or No. 3. (Rain or Shine) coach Yeng (Guiao) may pull of something on Friday, and we will be cheering for them,” sambit ni Ginebra coach Tim Cone. (Louis Pangilinan)