Advertisers

Advertisers

Alice na-bash sa pagpapakulay ng blonde hair; Darna nag-sorry sa fans, nagka-Covid at UTI

0 218

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

DAHIL sa pagpapa kulay ni Alice Dixson ng honey blonde hair kaya naman bina-bash siya. Sa edad daw niyang 53, hindi na siya dapat nagpapakulay ng ganoon. Sabi ng kanyang bashers, “act your age” at “you’re too old for that.”
Binweltahan ni Alice ang kanyang bashers. Sabi niya,”Walking in Market2 when my suki said ‘ang Ganda ng hair mo Alice, bagay sa yo’! Didnt realize how light & natural looking it has become.”
“If i acted my age – I probably wouldn’t look this young [tongue sticking out emoji].”
“Sorry not sorry” na lang daw sa detractors niya.
Dagdag ni Alice na waring background music sa mood niya, “[music emoji]boom x3 shake the roooom – [clock emoji] tick x3 boom].”
May followers si Alice na sumang-ayon na, “There are no age limit to stay young and beautiful.”
Hindi raw dapat mag-sorry sa goal na magkaroon ng “best life.”
At may kasabihan daw na, “If there’s anything you should stop wearing after age 40, it’s the weight of other people’s opinion.”
***
HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang tagasuporta/followers sa kanyang social media accounts dahil hindi siya nakapagbibigay ng update sa kanyang personal life at career.
Nagpositibo kasi siya sa dengue at urinary tract infection (UTI) matapos sumailalim sa ilang medical test kamakailan.
Sabi ni Jane,“Hi everyone! Sorry if I’m not active lately. I’m still sick. I was tested positive with dengue and UTI.
“I won’t be able to reply but I promise to see you guys soon. Thank you for all the prayers,” pahayag ni Jane sa kanyang Instagram page.
Get well soon Jane.
***
LABIS ang saya at pasasalamat ni Sylvia Sanchez sa kanyang anak na si Arjo Atayde dahil naipakilala na nito ang fiancée na si Maine Mendoza sa kanyang Lola Rose.
Sa Instagram account ni Ibyang noong Linggo, November 30, 2022, ibinahagi ni Sylvia ang masayang pagkikita para sa special dinner ng kanyang ina, kapatid, at ng kanyang soon-to-be manugang na si Maine.
Mababasa sa caption ni Sylvia (published as it is), “Maraming salamat mga anak Arjo at Maine kahit napaka-busy niyo parehong dalawa. Naglaan kayo pareho ng oras para ipakilala mo Arjo si Maine kay Tita Janice, Tito Kenneth at kay Lola Rose mo.
“Napakasaya ng puso ko [heart emoji] Salamat mga anak. Truly appreciated!!! Love u both.”