Advertisers

Advertisers

Jodi naging tourist guide ni Rochelle nang tumuntong sa Dos

0 411

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

NAG-ober da bakod nga ang Kapuso actress na si Rochelle Pangilinan sa Kapamilya Network. Pero hindi para maging isang Kapamilya talent kundi para dumalo sa mediacon ng movie na ginawa niya under Star Cinema, ang “Labyu with an Accent,” an entry to this year’s Metro Manila Film Festival (MMFF) with Coco Martin and Jodi Sta. Maria as the lead actors.
Isa pang labis na nagpasaya kay Rochelle, dahil sa baguhan sa bakuran ng ABS-CBN kung saan ginawa ang mediacon, mismong si Jodi ang naging tour guide niya at ipinasyal si Rochelle ng Kapamilya aktres sa bakuran ng ABS-CBN.
“Sa totoo lang, mula pagpasok ko from parking, from building ng ABS-CBN, talagang kinikilig talaga ako, hanggang sa nag-aayos na ako. Tinuturo na sa akin ni Jodi lahat. Tinu-tour niya ako,” say ni Rochelle.
Alam naman kaya ng kanyang mother studio na GMA7, ang ginawa ni Rochelle na pagtungtong sa Kapamilya Network?
“Gusto kong magpasalamat sa GMA dahil
pinayagan akong gawin ang movie at umattend sa mediacon to promote the movie! Thank you rin sa PPL
Entertainment Inc! Syempre sa manager ko na si
Perry Lansigan.,” dagdag na say pa ni Rochelle.
***
LOUISE DELOS REYES PAGPAG MUNA AFTER SHOOTING NG HORROR FILM
HINDI na rin naman bago para kay Louise delos Reyes na gumawa ng horror film, tulad na lang ng movie na official entry ng Viva Films ngayong parating na Metro Manila Film Festival, ang “Deleter” na kasama niya sa lead cast sina Nadine Lustre, McCoy de Leon at Jeffrey Hidalgo, na mapapanood na simula sa Disyembre 25.
Ang ‘Deleter’ ay istorya ng isang on-line technician-moderator who delete bad or malicious content from video footage sent to them to filter it before releasing it online.
“The last time I did a horror film was more than ten years ago sa Regal, ‘Shake Rattle and Roll 13’. Horror film din yun. Magkakasama kami nina Kathryn Bernardo at Sam Concepcion in the ‘Parola’ episode directed by Jerrold Tarog,” say ni Louise.
Sa sobrang nakakatakot ng mga eksenang ginawa nina Louise ay hindi raw maalis sa kanya ang pangamba na baka may ligaw na ispiritu ang nanonood sa kanila habang nagsho-shooting.
Kaya tulad ng mga kinaugalian ng mga naglalamay sa burol ng patay, pagpag din to the max si Louise bago umuwi ng bahay.
“Every time we shoot the scary scenes, we are somehow scared din kasi baka may sumama o sumunod sa amin pag-uwi ng bahay, so we all make it a point na magpagpag muna kami after each shoot bago kami umuwi,” dagdag na say pa ni Louise.