Advertisers

Advertisers

PANAWAGAN CHAIRMAN NG BARANGAY HABAY, BACOOR CITY

0 254

Advertisers

Nananawagan sa pamunuan at Barangay Kapitan ng Bgry.Habay sa siyudad ng Bacoor, Cavite ang mga guro, estudyante at mga magulang na Ang paaralang pinapasukan ay nasa bisinidad ng naturang Barangay.

Sana raw ay magkaroon ng inisyatiba si Kapitan at ang Konseho nito na maglagay ng pedestrian lane sa Tirona Highway sa tapat ng 7 Eleven convinience store para sa kaligtasan ng mga estudyanteng tumatawid sa nasabing lugar sa araw- araw.

Katulad na rin nang ginawa ng ibang mga barangays sa kahabaan ng Tirona Hiway.



Kapansin- pansin kasi na parang nakikipagpatentero sa pagtawid sa araw- araw ang mga estudyante sa mga mabibilis na sasakyang dumaraan ng Tirona Hiway.

Wala rin iba pang road signages o street signs gaya ng SLOW DOWN SCHOOL ZONE at iba pang signages.

Responsibilidad din kasi ng Barangay HABAY ang mga mag-aaral at mga guro sa mga eskuwelahang nasa kanilang AOR.

Magtalaga rin sana ng mga tanod na magmamando ng trapik at aalalay sa mga estudyante tuwing umaga sa oras ng pasukan at sa hapon naman tuwing uwian.

Tila naunahan na ang Barangay HABAY ng mga kapitbahay nitong barangays sa inisyatibong ito.



Bakit kaya?

Ang Barangay Dulong Bayan,noon pang opening of school year 22-23 nakapaglatag ng pedestrian lanes at street signage sa areas ng mga paaralan sa kanilang lugar partikular na along Tirona Hiway.

Hindi naman po siguro kalakihang hiling ito ng mga guro,estudyante at magulang sa pamunuan ng Barangay HABAY.

Para naman po sa kaligtasan ng lahat ang kahilingang ito na pinaaabot sa kaalaman ng mga kinauukulan.

Nawa’y agad maaksyonan ang isyung ito ng mga opisyales ng Barangay HABAY.

Speaking of Bacoor City LGU, paging Mayor Strike Revilla,dyan po sa may maliit na tulay sa harapan ng SM Bacoor along Tirona Hiway napakarami na naman pong tambay na rugby boys na makikita lalo na ngayong magpa-Pasko.

Mga sabog po Mayor Strike at wala sa sarili dahil sa solvent o rugby.

Baka puwede pong utusan nyo Mayor Strike ang local DSWD ng Bacoor na sagipin at matulungan ang mga kabataang ito.

Sadyang nakakaawa po talaga Ang kanilang kalagayan sir!

Eyesore din po Mayor Strike ang mga ganitong tanawin sa ating siyudad sir.

More power sir and God Speed!

Advance Merry Christmas Yorme Strike!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com