Advertisers

Advertisers

Bangkay ng lalaki nakabalot ng bed sheet, itinapon sa kanal

0 310

Advertisers

Isang bangkay ng lalaki na duguan, may mga saksak, at nakabalot ng bed sheet ang natagpuan sa kanal sa gilid ng kalsada sa Numancia, Aklan.

Sa ulat, natagpuan ang biktima sa bahagi ng Barangay Albasan ng nasabing munisipyo nitong Biyernes ng umaga.

Edad 41 anyos ang biktima at taga-Iloilo.



May mga tama ng saksak ang katawan ng biktima, na pinaniniwalaang sanhi ng kaniyang pagkamatay.

May kinilala nang persons of interest ang mga awtoridad sa pagpaslang sa lalaki ngunit tumanggi muna silang magbigay ng dagdag na impormasyon habang gumugulong ang imbestigasyon.

Naniniwala ang mga awtoridad at mga residente ng barangay na itinapon lamang doon ang bangkay ng biktima.