Advertisers
ISANG maliwanag na nakawan ang nangyari sa Incheon,Korea.
Ang siste,biktima ang maangas nating Pinoy boxing champ na si John Riel ‘Cuadro Alas’Casimero matapos siyang lutuin sa ibabaw ng ring upang humulagpos ang hawak na niyang tagumpay dahil sa mga UNGAS na hurado,doktor at referee nang ideklarang ‘NO CONTEST’ang labang ‘NO MATCH ang kalabang si Ryo Akaho ng Japan sa bakbakang kitang-kita ang panalo ng ating Pambansang Angas na si Casimero.
Hindi ito ‘DRAMA IN KOREA ‘dahil ‘INARTE SA INCHEON’ ang pinairal ng nabahag na boksingerong Hapon matapos niyang maramdaman ang kamandag ng kamao ni ANGAS partikular sa second round na halos ay umikot ang ulo nito sa mga power punches na pinawalan ni John Riel kay Ryo.
Matter of seconds na lang ay luluhod na ang hilahod nang Hapon .Isang pambali ng gulugod na swing ni Casimero ang dumaplis sa batok ng malikot ang ulong singkit na nakakita ng pagkakataong umarte ng pagkahilo upang palabasin na foul ang suntok na iyon tiyempo sa kanyang pagyuko.Ang UNGAS na referee na binilangan si ANGAS na off balance lang sa first round,sa halip na i- mandatory count ang hilong talilong na Hapon ay pinaupo ito sa bangkito at nakipagkomplut sa mga hurado upang ideklarang ‘no contest’ ang labang maliwanag na panalo ang Pilipino.
Umiral na naman ang pagiging notoryus ng mga sindikato sa daigdig ng boxing na ang madalas na biktima ay ang nga Pinoy fighters pa mandin.
Ayon sa ating kaisport na si Ka Badong,aapela raw ang naagrabyado nating kampeon.
Dapat lang dahil di lamang si John Riel ang nadadaya nito kundi ang mga sumusubaybay sa popular sport na ito na pinapatay ng ‘kabig virus’na pandaraya sa matatalinong tao sa mundo.Huwag nang hayaang mamayagpag muli ang mga kumag na mga hayop sa kwadradong lona at robbers in broad daylight.
Dapat ding gumawa ng hakbang ang Games and Amusement Board(GAB) natin na nangangalaga at kumakalinga sa kapakanan ng ating pro fighters… ABANGAN!