Advertisers

Advertisers

‘I COULD HAVE BEEN A CONTENDER’

0 170

Advertisers

NASA dugo ko ang pagkahilig sa boksing. Namana ko sa ama kong naging amateur boxer. Hindi kaila na angkop sa pangangatawan ng mga Pilipino sa larong ito. Maraming kababayan natin ang tanyag sa larangan na ito. Si Francisco Villaruel Guilledo ay isang flyweight na kilala sa pangalang Pancho Villa. Si Gabriel Elorde ay may pinakamahabang record na pitong taon bilang kampeon pandaigdig ng super featherweight division, ay nakilala bilang “Flash Elorde.” Kabilang din si Manny Pacquiao. Nakaukit sa kamalayan natin ang tatlong mababagsik na Pinoy boxers. Sila ay sumikat, at nagningning mga bituin sa larong ito.

Sa boksing, ang pangatlong tao sa ring ay ang referee. Sinisiguro niya na ang laban ay malinis, patas, at ayon sa pamantayan ng “Marques of Queensberry Rules.” Ito ang pamantayan ng lahat ng organisasyon ng boksing, propesyonal o amateur. Kasama sa pamantayan ang pagsusuot ng boxing gloves hanggang sa “standing eight count.”Batas ito sa ibabaw ng ring. Ang Queensberry Rules ay ang gulugod ng makabagong boksing. Isang bloodsport ang boksing. Laro ito ng mga maginoo. Iniwasan ng makabagong boksing ang magkaroon ng matinding pinsala o kapahamakan ang mga boksingero.

Lahat nakakakilala kay Carlos Padilla Jr. Anak siya ng aktor at boksingero Carlos Padilla, Sr. Nagsilbing pangatlong tao sa ibabaw ng ring mga makasaysayang laban tulad ng “Thrilla in Manila” ni Muhammad Ali at Joe Frazier; Sugar Ray Leonard at Roberto Duran; at Mike Tyson at Pinklon Thomas. Bukod sa referee, lumabas siya sa mga patalastas, naging artista, at siya ang ama ng mang-aawit na si Zsazsa Padilla. Nang inamin sa isang panayam na may kinalaman siya sa pagkapanalo ni Manny Pacquiao sa laban niya sa sa Australiyanong si Nedal Hussein noong Oktubre 2000, nagtatag ang World Boxing Council ng “special panel” para imbestigahan ang pandaraya. Malaking dagok ito, hindi lang kay Manny. Di hamak na mas malaking dagok ito kay Padilla dahil sa isang iglap, ang ipinundar niya bilang respetadong referee ay naglaho. Ayon sa pangulo ng WBC Mauricio Sulayman, nagsulat ng liham si Suzy Padilla-Tuaño sa kanya na nagpaliwanag: “English is her father’s second language” ani niya, at maaaring hindi tumugma sa gustong sabihin ng matanda kaya maaaring mali ang interpretasyon.



Dahil 88 anyos na Padilla, dapat tahimik na ang kanyang buhay. “So, in the seventh round, I think, Manny got knocked down. I thought he was going to get up, because his eyes were like cross-eyed. (Tumawa). I am Filipino, and everybody watching the fight is Filipino, so I prolonged the count. You know, I know how to do it,” aniya. Sa parehong round, binawasan ng isang puntos si Hussein dahil siniko niya si Pacquiao. Ani Padilla, binigyan niya ng panahon na maka-rekober si Pacquiao dahil nalulula pa siya sa pagka siko. “And when he got up [from the knockdown], I tell him, ‘Hey, are you ok?’ That’s prolonging the fight. ‘Hey, are you ok? OK, fight,’” Padilla said. “Because Manny—it’s not like Manny now, he was not trained by Freddie Roach yet. So he holds for dear life, and he pushed him and he went down again. So I said, ‘Hey,’ to the opponent, ‘You don’t do [that]’—you know, prolonging [the count]—‘You don’t do that.’ OK, judges, [point] deduction, deduction. Manny is still groaning.

And then he get up. [Sabi ko,] ‘Are you OK?’” Hindi natapos dito, sa ika-10 round, tinawag ang “ring doctor” na nagsabi na itigil ang laban dahil sa sugat na tinamo ni Hussein sa ibabaw ng kaliwang mata. Sabi ng referee (si Padilla) resulta ito ng suntok. Subalit sinabi ni Padilla sa panayam sa WBC ito ay dahil sa isang headbutt. Kung ganon, dapat sinabihan ng ref ang judges at binawasan ng isang puntos sa score ni Pacquiao. Dagdag pa ni Padilla: “Manny is still groaning, and then [I said to Pacquiao], ‘Get up. Are you ok?” Dagdag pa ni Padilla sa panayam niya: “He (Pacquiao) is shorter. He butted the other guy. It’s a cut. I declare it a punch. [Tumawa]. If there is a butt, you have to stop the fight at sabihin sa judges ‘headbutt’—that’s a point deduction. But if you don’t do that, and the fight continues, we need to say it is a good punch.”

Inamin ni Padilla binagalan niya ang pagpunta sa doktor para tingnan ang sugat ni Hussein:“It’s not really bleeding,” ani Padilla, “but I never stop the doctor to check, ‘I want to see it’ [if it’s] serious.” Samakatuwid naimpluwensyahan niya ang doktor na itigil ang laban, at ilihis ang responsibilidad sa kanya. “It takes [away] my responsibility because as a referee that is the best way to do—let the doctor stop the fight”. Ayon kay Padilla sinabihan siya na magkakaroon ng tsansa si Pacquiao sa isang “title bout” sakaling manalo siya. “I’m about to leave the following day (for the fight), and they told me, ‘Carlos, please… this is important fight for Manny Pacquiao because the winner, he will have the chance to fight for the world championship,’” ani Padilla: “So, you know the opponent, Hussein, or whatever his name was. He is taller, younger, stronger, and dirty fighter, managed by Jeff Fenech.” Titigil ko dito. Base sa limitadong kaalaman ko, maliwanag a ito ay pag-amin ng pandaraya. Tingin ko natuwa ang matanda sa atensyon na ginugol ng isang peryodista sa kanya, at, katulad ng retirado mong tiyo, nakakita ang matanda ng pagkakataon na magbibida, at maging sentro ng atensyon sa gitna ng huntahan. Nakatutuwa, at naiintindihan ko ito. Kaso umamin siya na nandaya siya.

Maraming taong man nakalipas, may implikasyon ang pag-amin ni Carlos Padilla Jr. sa pandarayang naganap noong 2000 sa Ynares Stadium. Nagbukas ito ng mga sugat na malalim at masakit para kay Nedal Hussein. “Putrid Dog” o isang asong nabubulok. “He is a criminal.” Ito ang tugon ni Nadal Hussein na retirado at naninirahan sa Sydney, Australia. Ani pa ni Hussein sa panayam niya sa Daily Mail: “Winning that fight would have changed my life, I missed out on a couple of hundred grand and a world title fight. I would have been able to buy a house and be so much better off. With my career, I missed out on the big fights [afterwards] because of it. It set me back four years. I hated the sport after that.” Makaraan ng 22 taon Humihingi ng katarungan si Hussein at pagbabaligtad ang naging desisyon sa kontrobersyal na laban. Natural apektado si Hussein sa naganap na pag-amin ni Padilla na dinaya siya para manalo si Manny Pacquiao.

Kung natutulad siya si Terry Malloy, ang karakter ni Marlon Brando sa pelikulang “On The Waterfront”: I COULD HAVE BEEN A CONTENDER!!! Nauunawaan ko ang pighati niya. Ito ang sama ng loob at pighating nararamdaman ng isang lumaban ngunit natalo dahil sa desisyon ng doktor, at ng pangatlong tao sa ring. Batid ni Nedal Hussein na dinaya siya at humihingi siya ng katarungan. Bilang depensa sa kanyang ama, ani Suzy Padilla-Tuaño: “He does not need controversies at this very late stage in his life. I know I may sound biased, being the eldest, and I believe that through his legacy, he has proven his worth, and we, his family, would appreciate it if people respected his contributions to the boxing community by giving him some well-deserved consideration.” Tama ka Suzy, nag-iwan ng napakagandang legasiya ang ama mo na binigyan ng lifetime achievement award ng Philippine Sportswriters Association noong 2011, at ngayon retirado sa pagiging referee ng pinakamamahal niyang boksing.



Subalit nag-iwan din ng maraming tanong kaysa sagot ang nangyaring “slip-of-the-tongue” sa tatay mo ay nakakagulantang. Ito ay nagmistulang “left hook” sa panga ng mundo ng boksing. Sa halip ng tuldok sa isang tanyag at maningning na propesyon sa ibabaw ng parisukat na bilog, nagiiwan ito ng isang malaking “question mark”. Sana magkaroon din ng tuldok ang kinahaharap mo dahil dito Ref, at dahil dito maliwanag na sa kontrobersiyang ito maliwanag: HINDI PA TAPOS ANG BOKSING. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.

***

Mga Harbat Sa Lambat: “Para bumaba ang presyo ng bigas, kailangan ibaba ang presyo ngmga gamit pangsaka; abono, gasolina para sa makinarya, pati ang tax para sa mga ito. Ang pag-angkat ng bigas ay shortcut, hindi pangmatagalan; at panunupil sa magsasaka.” James Palispis

“The intelligence LENI is showing in her US speaking engagements is redeeming the country from its bad reputation as land of incurable tabogos…” -Hector Mison

” Kung ikaw ay hindi para sa mga magsasakang lumilikha ng pagkain, ikaw ay para sa mga ganid at kawatan ng mga lupain… “- -Dong Abay

***

mackoyv@gmail.com