Advertisers

Advertisers

Lalaki, lasog sa salpukan ng motorsiklo at truck

0 150

Advertisers

Patay ang isang lalaki sa nangyaring banggaan ng isang motorsiklo at truck sa Brgy. Amansabina sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.

Ayon kay PLt. Mc Arthur Ato, ang tumatayong Deputy Chief of Police ng Mangaldan Municipal Police Station, na lumalabas sa kanilang imbestigasyon na binabaybay ng biktima na kinilalang si Emarlo Calasiqui, manager ng isang lending firm sa bayan ng Mangaldan, ang kahabaan ng national highway pauwi ng Tarlac nang nakasalubong nito ang isang truck na papasok naman ng naturang bayan.

Saad ni Ato na nag-overtake ang truck sa isa pang sasakyan na humantong naman sa pagkakahagip sa motorsiklo na minamaneho ng biktima. Sa kasamaang-palad ay hindi lamang tumilapon sa kalsada ang biktima subalit nakaladkad pa pa ng truck ang katawan nito na nagdulot naman upag magkapira-piraso ang katawan nito.



Sinabi pa ni Ato na ikinabigla at hindi rin inaasahan ng suspek na hahantong sa trahedya ang ginawa nitong pag-overtake sa isang sasakyan dahil na rin sa pagmamadali nito. Gayunpaman, at base na rin sa mga nakasaksi sa nangyari, ay kusa naman itong huminto sa daan upang akuhin ang responsibilidad sa naturang insidente.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek at haharap naman ito sa karampatang parusa.