Advertisers
Mahigit P6.6 milyon ang halaga ng marijuana bricks na nakasilid sa dalawang sako ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang drug buy bust operation sa Purok 2, Brgy. Abut, Quezon, Isabela.
Sa ipinarating na ulat ni PDEA IA Jojo Gayuma, Provincial Officer ng PDEA ng Nueva Vizcaya kay Regional Director III Joel Plaza ng PDEA Region 02 ay halos tumitimbang ng mahigit 55 kilos ng marijuana bricks na nakasilid sa dalawang sako na nagkakahalaga ng P6.6 milyon.
Habang nakatakas ang suspek na si Bryan Appag at kasama nito na taga Tabuk City nang makatunog na ang kanilang kausap mga operatiba ng PDEA Nueva Vizcaya PO, PDEA Quirino PO, Quezon PS, PNPDEG-SOU2 IPPO PDEU at RMFB Regional Mobile Force Batallion 3rd COY.
Ayon kay Gayuma, umiwas umano ang mga suspek na nakalatag na checkpoint sa Tabuk City, Kalinga kung kaya’t posibleng binuhat lamang ang marijuana kung saan dumaan sa kabundukan na bahagi ng boundary ng Kalinga at Isabela 8:15 ng gabi, Disyembre 3 hanggang sa umabot sa pinagyarihan ng operasyon.
Hanggang sa ngayon, nagsasagawa ng manhunt operation ang otoridad sa dalawang suspek para sa ikadarakip ng mga ito.
Nakatakdang sampahan ng kaso si Appag at kasama nitong tumakas sa paglabag sa section 5 Article II of R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Rey Velasco)