Advertisers

Advertisers

Kahit magkaiba ang network…Julia at Gabbi matagal nang mag-BFF

0 182

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

NOT everybody knows na ito palang sina Julia Barretto at Gabbi Garcia ng Kapuso Network ay matagal nang magbespren. Wala halos nababalitang magkasama ang dalawa lately lalo na magkaibang istasyon ang kanilang kinabibilangan.
Magkaeskuwela sina Julia at Gabbi noong high school days nila at doon nagsimula maging close friends ang dalawa. Kaya nga nitong nakaraang kaarawan ni Gabbi ay buong pagmamahal na binati ni Julia si Gabbi sa personal socmed account niya kasama ang isang old photo nilang dalawa.
“Happy birthday my (heart emoji) @gabbi! True, loyal and hard working are just some of my favorite things about you. My list can go on. IU, Gab,” saad ni Julia sa old photo nilang magkaibigan.
Noong mga teenager palang sila ay nangarap na talaga si Gabbi na maging isang beauty queen, ngayong ganap na dalaga na silang dalawa at very much qualified na sumali sa national beauty competition, game rin kaya si Julia na mag-join?
“Nooo! I’m short. Not super short but parang hindi papasa yung height ko dun sa requirement eh. I’m happy acting,” say pa rin ni Julia.
And one thing for sure, happily in-love ang dalawa, si Julia kay Gerald Anderson at si Gabbi kay Khalil Ramos.
***
INABOT din halos ng mahigit ilang taon bago tuluyang natapos ng mga actor na sina Enzo Pineda, Lharby Policarpio, Royce Cabrera, Aaron Concepcion at Albie Casiño,
ang kanilang feel good barkada film na “Call Me Papi “ na hatid ng Viva Films at Feast Foundation, directed by Alvin Yapan.
Nagsimulang mag-shooting ang “Call Me Papi” noong nagsisimula pa lang kumalat ng Covid sa bansa kaya naantala ito dahil sa lockdown. Si Enzo ay gumaganap bilang isang gym instructor na lapitin ng older women. Nang mabisto ang kanyang pagiging kabit, nakitira muna siya sa apartment ng isang kaibigan.
“We’re really thankful to our producers for making this film happen. They really felt na isa itong kuwento na dapat naming ipakita sa mga tao. So they fought for the film para matapos ito and now we’re showing starting December 7,” say ni Enzo.
In real life daw pagdating sa pagmamahal ay similar sila ng role niya sa movie bilang si Sonny
“Similar kami in terms of siguro pagdating sa pagmamahal. Nagkataon na before sa akin na, lahat naman siguro tayo may taong minahal tayo na mali or nasaktan tayo but everything happens for a reason. Yun yung mangyayari sa character ko. And I guess there was a time na masyadong nag-focus sa pagmamahal instead of focusing on myself, my goals, my dreams. Kumbaga parang naging sentro kasi yun ng buhay ko before,” say pa ni Enzo