Advertisers

Advertisers

Maxene tinawanan ang isyung nabuntis ng mister ni Angel

0 145

Advertisers

Ni BETH GELENA

PINAGTANGGOL ni Suzy Padilla Tuano ang amang si Carlos Padilla dahil nahaharap ito sa maselang alegasyon.
Kontrobersiyal ngayon ang sikat na boxing referee nang aminin nitong tinulungan nya umano noon si Manny Pacquiao na manalo kay Australian Nedal Hussein noong Oct. 10, 2000.
Nangyari ang laban ng dalawang boksingero sa Ynares Sports Center sa Antipolo.
Manny Pacquiao win a fight in 2000 as “misconstrued” and “misinterpreted”.
Inamin umano ni Padilla na nag-cheat siya helping Pacquiao win fight in 2000.
“My father is an 88 year old man who is just that — old and aging. Despite the fact that he has been living in the United States for decades, English remains his 2nd language,” nakasaad sa letter ni Suzy.
“Communications can be misconstrued and well intentioned words can be misinterpreted. The present situation is one such glaring example of what might actually have been said, (no pun intended), and what may have been taken out of context,” pagpapatuloy pa niya.
Dineklara raw niya na ugly cut under ang left eye ni Hussein as being caused by a punch from Pacquiao, instead of a head butt — which is crucial as gashes caused by legal blows can result in a TKO win for the fighter who dealt it if the fight gets stopped by the doctor.
Nanalo si Pacquiao via TKO sa ika-sampung round ng laban.
***
TINATAWANAN lang ni Maxene Magalona ang isyu na siya ay buntis.
“‘San nanggaling ‘to,” aniya.
Matatandang nadawit ang pangalan ng aktres sa tsismis na hiwalay na umano sina Angel Locsin at Neil Arce at siya raw ang dahilan.
Nagtaka umano siya kung saan nanggaling ang isyu at inuugnay pa siya sa hiwalayan ng dalawa.
Marami naman ang nagpabulaan sa isyu at sinabing hindi hiwalay sina Angel at Neil.
Natawa na lang si Maxene sa isyung buntis siya matapos ang hiwalayan niya sa asawang si Rob Mananquil kamakailan.
Hindi naman daw na-bother si Maxene sa mga isyu partikular na ang tsismis na siya ang dahilan kaya naghiwalay sina Angel at Neil.
“Not at all. And I speak fearlessly. I know I am a woman of my word. No because if I release a statement then sa mga negative energy vampires, ‘yan ang tawag ko sa inyo. The negative energy vampires will see, ay kaya natin siya,” ani Maxene.
Patuloy pa ng aktres, “Ay maraming nanonood ng stories ko maglalabas tayo ng mental health tips.. minental health ko sila. Grabe yung mga nagsasalita na parang totoo yung sinasabi nila… If that makes you happy, sige lang ”
“Saka tumaba ako tinatanggap ko na guys, okay?” ani Maxene na may kaugnayan sa isyung siya ay nagdadalang tao.
“Sabi ko talaga, saan galing ‘to? Kelan nangyari ito? Di ako na-inform? I welcome this challenges because I want to show that God truly works,” sey pa ni Maxene.
***
JULIA NAGPAMASAHE SA PAMAMAGITAN NG LANGIS
Ibinida ni Julia Barretto ang kagandahan ng isla ng Siquijor sa kanyang YouTube na Juju On The Go Channel.
Bukod sa pagpapakita ng mga magagandang pasyalan sa isla, ibinida rin ng kanyang team ang mga masasarap na pagkain.
Pumunta pa sila sa manggagamot kung saan may iba’t ibang pangontra.
Game na nagpamasahe ang aktres gamit ang langis na naroroon din sa bahay ng manggagamot
Bumilib ang netizens sa aktres dahil sa pagbida nito sa magagandang lugar sa bansa upang makatulong sa turismo.
Bumilib din ang netizens sa pagiging magalang ni Julia sa mga taong nakakasalamuha niya.
Komento nga ng netizens: “Ang ganda at ang bait ni Julia talaga napaka down to earth nya sobra.”
“Para sakin she is perfect woman, beautiful and l love her voice. I must say, Julia’s vlogs featuring the beautiful places in the Philippines are really worth watching.”
“Pang international ang level mapanood sana ng mga turista Galing makibagay ni Julia sa lahat…natuwa ako sa pagsawsaw ng tinapay sa kape. Ang galing lang tingnan hindi mukhang pilit.”