Advertisers

Advertisers

Mayor Honey: Monthly allowance ng PWDs/solo parents, released na

0 191

Advertisers

MAGANDANG balita sa mga solo parents at persons with disability (PWDs) sa Maynila na nasa 45,000 ang kabuuang bilang.

Inutos na ni Mayor Honey Lacuna ang release nitong Lunes, Dec. 5 ng kanilang monthly cash assistance kung saan binigyang direktiba niya si social welfare department chief Re Fugoso na personal na pangunahan ang distribusyon ng nasabing cash aid.

Ayon kay Fugoso, ang kabuuang bilang na tatanggap na PWD mula sa Districts 1 hanggang 6 ay nasa 29,449. Ang kabuuang halaga naman na naipamahagi dito ay mahigit sa P87.5 million. Kabilang sa listahan ay ang mga PWDs sa Baseco at sa mga hindi nakatanggap noong huling payout.



Ang mga solo parent-beneficiaries naman sa kabilang banda at nasa 15,870 ang kabuuang bilang at ito ay mula sa Districts 1 hanggang 6 at Baseco. Ang kabuuang halaga naman na inilaan para dito ay umabot sa mahigit P53.4 million.

Sinabi ni Fugoso na bawat isang PWD at solo parent ay tumanggap ng kabuuang P4,500 bawat isa. Ito ay kumakatawan sa P500 monthly allowance mula January hanggang September 2022.

Ang pamamahagi ng cash allowances ay ginawa sa mga barangay halls atvcovered courts at nagsimula ganap na 8 a.m.

Inutos din ni Lacuna ang paglalagay ng help desks para umasiste sa mga magkakaroon ng problema kaugnay ng kanilang allowances.

Ang monthly cash aid na binibigay sa mga PWDs at solo parents ay bahagi ng social amelioration program ng pamahalaang lungsod, na ayon kay Lacuna ay kabilang ang mga senior citizens at university students.



Kahapon din ay muling pinangunahan nina Lacuna at Vice Mayor Yul Servo-Nieto ang ika-5 araw ng Christmas gift-giving ng pamahalaang lungsod na tinawag na ‘Paskong Manileno 2022.’

Ang distribusyon ng food boxes na naglalaman ng Noche Buena items para sa may 695,000 pamilya sa Maynila ay nagsimula pa noong December 1.

Maliban pa sa food boxes na nauukol sa lahat ng pamilya sa Maynila, mayroon ding inilaa na special gift packs para sa senior citizens ng lungsod na umaabot sa 160,000 ang kabuuang bilang.

Ayon kay Lacuna, lahat ng pamilya sa Maynila, maging mayaman man, middle-income o mahirap ay tatanggap ng na ang laman ay nakatitiyak para may pagsaluhan ang pamilya sa tradisyunal na Noche Buena at sa mismong Araw ng Pasko.

Sinabi ng spokesperson ng alkalde ma si Atty. Princess Abante na ang bawat isang Christmas food boxes ay naglalaman ng bigas, corned beef, spaghetti noodles and sauce, cheese, milk at fruit cocktail. (ANDI GARCIA)