Advertisers
Ni JOVI LLOZA
AFTER ng isyung nabuntis at nanganak si AJ Raval ay bigla na lang itong nanahimik.
Sa kabila ng pag-ugong n nabuntis at nanganak umano ito sa kanilang love child ni Aljur Abrenica.
Nanatiling tahimik ang kampo nina AJ at Aljur regarding sa isyu.
Nagsimula na ngang lumantad si AJ nang kontrahin nito ang balitang nanganak siya at bilang kontra ay nag-post ito ng larawan na sexy na luwa ang bumpers sa Christmas tree.
Ito nga raw ang una nitong paramdam sa socmed pero dahil naniniwala ang mga Maritess na nanganak na ito ay napansin na tila may basa sa damit ni AJ hmmmp!?
Sa paglantad ni AJ ay nagtungo ito sa kanyang Mother studio para sa comeback project nito next year.
May naglilinaw kung true na nanganak na ito pero nag-segway na i-watch ang bago niyang project.
Kaya bigo pa rin ang mga Maritess na makakuha ng info kay AJ at tikom pa rin ang bibig nito sa nagkalat na isyu.
Ayon naman sa netizens na ang isyu kay AJ ay maihahalintulad kay Julia Montes na napabalitang nabuntis at nanganak sa love child nila ni Coco Martin.
Kunsabagay, choice at karapatan nilang manahimik para sa kanilang kapayapaan.
***
SA panayam kay Rey ‘PJ’ Abellana ay hayagan nitong sinabi na boto siya kay Tom Rodriguez para sa anak na si Carla Abellana.
Sa lahat ng mga na-link kay Carla ay mataas ang grado ni Tom kay PJ as in angat.
Kaya nalungkot ito sa hiwalayan ni Tom at anak at kung sa kanya ay may posibilidad pang magkabalikan ang taong minahal at napamahal na sa’yo.
Naniniwala si PJ sa second chance lalo na nga raw na legit na mag- asawa sina Tom at Carla.
Natanong si PJ kung ano nga bang best gift niya this coming Christmas season kina Carla at Tom.
Sey ng beteranong actor, “ang regalo ko kay Tom ay ang aking anak at ang regalo ko kay Carla ay si Tom.”
Napataas naman ng kilay ang netizens. Tanong, matuwa naman kaya sina Carla at Tom sa gift na ‘yun ni PJ? Hmmmp!? Well, well, well…
‘Yun na!