Advertisers
MINASAKER ng Brazil ang South Korea 4-1 sa kanilang round of 16 game sa nagpapatuloy na FIFA World Cup na ginaganap sa Qatar.
Dahil sa panalo ay pasok na sa quarterfinals ang ranked number 1 na Brazil habang natapos na ang kampanya ng ranked number 28 na South Korea.
Sa simula pa lamang ng laro na ginanap sa Stadium 974 ay umulan na agad ng goal mula sa Brazil.
Sa unang yugto pa lamang ng laro ay umulan ng mga goals mula sa Brazil kung saan unang nakapagtala ng goal si Vincius Jr sa loob ng pitong minuto at pagdating ng 13 minuto ay pasok ang goal ni Neymar Jr.
Hindi pa nagpapigil ang Brazil at naipasok ni Richarlison ang goal sa 29 minuto ng laro at matapos ang pitong minuto ay pumasok din ang goal mula kay Lucas Paqueta.
Nagtapos ang first half ng walang puntos ang South Korea at pagpasok ng second half ay tanging si Palk Seung-ho ang nakapagtala ng goal sa 76 minuto.
Susunod na makakaharap ng Brazil ang Croatia sa para sa quarterfinals sa darating na Disyembre 9.
Nasa unang puwesto ang Brazil ng Group G kung saan unang tinalo nila ang Serbia 2-0 na sinundan ng pagkapanalo kontra Switzerland 1-0 pero nabigo sila laban sa Cameroon 1-0.
Habang nasa pangalawang puwesto naman ang South Korea sa Group H na bago makapasok sa round of 16 ay nagtala ng 0-0 draw kontra Uruguay, talo naman sila Ghana 3-2 at panalo sa Portugal 2-1.