Advertisers

Advertisers

Mister nagbaril sa ulo, patay; misis kritikal sa Batangas

0 283

Advertisers

BINAWIAN ng buhay ang isang mister nang magbaril ito sa kanyang ulo, habang kritikal naman ang kanyang misis na kanyang pinutukan bago magbaril sa sarili Lunes ng gabi sa Barangay District 8, Balayan, Batangas.

Kinilala ang nagbaril na si Ryan Balkin na dead on arrival sa pagamutan, habang ang kanyang misis na nasa kritikal na kondisyon sa ospital ay si Precious, kapwa nasa hustong edad, ng Barangay District 8.

Sa inisyal na ulat ng Balayan Municipal Police Station, nakatanggap sila ng tawag mula sa ospital tungkol sa kanilang dalawang pasyente ng pamamaril.



Ayon sa pulisya, kalibre 22 ang baril na ginamit ni Ryan.

Hindi masabi ng mga kamag-anak ng mga biktima kung ano ang dahilan ng pagbaril ni Ryan sa misis bago ito nagbaril sa sarili.(KOI LAURA)