Advertisers
NAILUKLOK ng super mayoryang Pilipino bilang ama ng bansa si Pangulong Ferdinand ‘ Bongbong Marcos,Jr.
Siya ang kauna-unahang majority president sa kasaysayan ng bansa na bagama’t dapat ipagdiwang ay mas pokus na si PBBM na balikatin na ang sobrang bigat na nakaatang sa kanyang balikat para sa bayang lubhang tayog ang ekspektasyon sa kaniya.
Epektib ang kanyang platapormang pagkakaisa na iniimplementa naman ni Pangulong Bongbong mula day one hanggang ngayon.
Dapat ang kanyang ‘All President’s Men’ ay maging matatag sa kanilang teamwork kung saan ang medyo lamya,mahina at dupang sa bola ay dapat palitan agad hanggang maperpekto niya ang tamang kumbinasyon ng kanyang winning team.
Sa kanyang matinding politikal will ay tatalima ang lahat tungo sa asenso ng bansang nahilahod sa iba’t ibang krisis na natural at man- made.
Iyong mga sadyang pasaway sa ating buhay na laging paepal,grandstanding para mapansin at iyong mga ayaw makiisa sa lider na muhi sila dahil sa aspetong politikal,bakit di niyo kaya subukang makiisa na lang at tigilan na ang papel kontrabida o kaya sang-ayunan na ang mga programa para sa kapakanan ng bayan.
Kapag nangyari iyon,baka maalis na ang galit sa inyo ng mayoryang mamama yan ,tulungan ang nasa poder baka balang araw kayo naman ang nasa trono ng kapangyarihan. Give peace and prosperity a chance..ABANGAN!
POOL SHARKS MAKIKILALA NA!…
NAKAHUNTAHAN nating muli ang isang tanyag na personahe sa QC at walang iba kundi si Bos Perry.
Si Perry Mariano na icon ng entertainment hubs sa siyudad ay isa ring pamosong billiards patron at advocator sa sport.
Marami nang natulungang bilyarista magagaling na nag- world caliber ang mga naging alaga niya magmula pa sa kanyang Bugsy Promotion hangga ngayon.
Mayroon silang napakalaking proyekto para sa mga potential na maging international champion at sa pamamagitan ng itinatag nilang SHARKS ay makikilala ang mga magagaling at never heard.
Kailangan natin silang tulungan lalo tayong nasa sports media na maiparating sa madla ang bagong henerasyon ng mga world caliber nating bilyarista.Tulungan natin ang anak ni Perry na si Hadley Mariano ,ang tournament director par excellance…SARGO SHARKS!