Advertisers

Advertisers

Hihigitan daw ang Probinsyano…Lovi natupad na ang pag-aaksyon sa ‘Batang Quiapo’ serye ni Coco

0 140

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

ANG bakasyon kay Coco Martin ay tila mailap pa dahil super mega busy pa rin ang actor sa dami ng kanyang projects.
Lalo na this Holiday season ay may film na mawa-watch kay Coco na entry sa MMFF.
Gustuhin man magbakasyon ay malabo pa talaga kay Coco.
Lalo na at gagawin nila or ireremake ang Batang Quiapo na pinagbidahan noon nina FPJ at Diamond star na si Maricel Soriano.
Ito ang nakapilang gagawin ni Coco after Ang Probinsiyano.
Kinuda ni Coco na after makasama ang asawa ni FPJ na si Susan Rices.
Ang anak naman ni FPJ na si Lovi Poe ang makakasama nito sa bagong serye na Batang Quiapo.
Timing naman na kay Lovi mapupunta ang role sa Batang Quiapo dahil atat ito na makagawa ng aksyon.
Kahit si Coco ay excited na rin magawa ang Batang Quiapo with Lovi.
Next year, 2023 ay sisimulan na ang nasabing project nina Coco at Lovi.
***
JULIA MONTES NANGANAK KAYA LIGWAK ULIT SA TELESERYE NI COCO?
MALAKAS ang ugong na ang bagong serye ni Coco Martin ang ipapalit sa Darna.
Di pa man nagsisimula ay usapan na ang pagbabu sa ere ng Darna na di man lang mag-e-extend.
May bulong pang pang 10 years daw itong bagong serye ni Coco na hihigitan ang Ang Probinsiyano.
Mainit din na usap-usapan ng mga Maritess na baka sa balik-serye ni Coco ay ang rumored gf na si Julia Montes na ang makakatambal nito.
Pero anyare at daming nagtatanong kung bakit di na si Julia ang makaka-partner nito sa kanyang pagbabalik telebisyon after AP.
Lumakas tuloy ang sitsit na baka nga raw nanganak na naman ito sa second child nila ni Coco.
Naging pulutan kasi sa showbizlandia ang tsikang nabuntis daw ulit ang rumored gf ni Coco.
Pero wala namang kumpirmasyon sa dalawa at nanatiling tahimik at tikom ang kanilang mga bibig regarding sa kanilang personal na buhay.
Well, well, well…’Yun na!