Advertisers

Advertisers

LGBT hinoldap at nilaslas ang mukha ng 2 bagets

0 136

Advertisers

TINANGAYAN ng cellphone at nilaslas pa ang mukha ng isang miyembro ng LGBT community ng tatlong lalaki kabilang ang dalawang menor-de-edad habang pauwi Martes ng madaling araw sa Barangay Santiago, Genetal Trias City, Cavite.

Kinilala ang biktima na si Edison Buscay,22 anyos, residente ng Brgy. Santiago.

Dalawa sa tatlong salarin ang agad naaresto ng mga taga-barangay Santiago na nakilalang sina alias “Dante”, 17; at alias “Tyrone”, 15, kapwa residente ng Pabahay, Brgy. San Francisco, Gen Trias City.



Nakatakas naman ang isa pa sa mga salarin na nakilala sa alias “Toto”, nasa hustong gulang at residente rin sa naturang lugar.

Sa ulat, 3:00 ng madaling araw habang naglalakad ang biktima sa loob ng LRTA Subdivision at nagse-cellphone papauwi sa kanila nang harangin ng mga lalaki na sakay ng isang motorsiklo.

Bumaba ang dalawa sa tatlong lalaki at tinutukan ang biktima at nagdeklara ng hold-up. Hinablot ng mga ito ang cellphone ng biktima at bago sumakay ng motorsiklo ay nilaslas ng isa sa mga holdaper ang mukha ng biktima.

Kahit duguan, nagtatakbo ang biktima at humingi ng tulong sa barangay.

Agad naitakbo ang biktima sa pagamutan, habang naaresto ng security guard ng subdivision ang papatakas na dalawang holdaper.



Narekober sa mga holdaper ang cellphone ng biktima. Tinutugis pa ng mga awtoridad ang nakatakas nilang kasamahan.