Advertisers

Advertisers

Rider, patay nang makaladkad ng truck

0 155

Advertisers

Nasawi ang isang rider nang makaladkad umano ng isang truck sa Lipa City, Batangas nitong Martes ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si William Cuenca.

Nangyari ang insidente sa JP Laurel Highway sa Barangay Inosluban.



Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sinubukang mag-overtake ng motorsiklo ni Cuenca sa kasabayang truck pero nahagip siya ng kasalubong na motorsiklo.

Sa report, tumilapon ang biktima sa sinasakyang motorsiklo at nakaladkad pa umano ng naturang truck.

“Hindi ito nakita ng ating truck dahil nasa opposite lane ito, no? He tried to overtake nasa shoulder pa then tatawid sana siya papunta du’n sa right lane, papunta going to Lipa. Kaya lang inabot siya nitong si unang motorsiklo natin,” ayon kay Lipa City Police Station chief Police Lieutenant Colonel Ariel Azurin.

Sa ulat, nakuhanan naman ng CCTV camera ang pagdaan ng sinasabing truck sa highway pero hindi nahagip ang sumunod na nangyari.

Nananatili sa kustodiya ng Lipa City Police ang drayber ng truck.



Hinihingan pa ng pahayag ang drayber maging ang pamilya ng nasawing rider ukol sa insidente.