Advertisers

Advertisers

2 KABATAAN, TIKLO SA 74K ILEGAL NA DROGA SA TAGUIG CITY

0 267

Advertisers

ARESTADO ng dalawang kabataan na umano’y drug pushers matapos na magsagawa ng isang buy- bust operation ang mga awtoridad sa kahabaan ng C6 Road, Barangay Lower Bicutan sa lungsod ng Taguig.

Kinilala ni PBgen. Kirby John Brion Kraft, District Director ng Southern Police District ( SPD ) ang mga suspek na sina Zyric Rezano alias Rick,19 anyos at Mike Lorence Martinez Johannsson,19 anyos. Sila ay itinuring denarian Street Level Individual ( SLI ) ng mga alagad ng batas.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakatanggap ng impormasyon ang District Drug Enforcement Unit ( DDEU) NG SPD hinggil sa iligal na aktibidad ng mga suspek dahilan upang matyagan ng kanilang ‘ police informer’ ang kinaroroonan at transaksyon ng droga.



Nang makasiguro ang mga operatiba ay agad na ikinasa nila ang drug buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakasamsam ng tatlong heat transparent plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu.

Humigit-kumulang 11 gramo ang timbang ng shabu na may halagang Standard Drug Price na P74,800 at nabawi naman ang isang marked na ginamit sa nasabing operasyon. Ang mga suspek ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. Inihahanda na rin ang reklamo sa kanila kaugnay sa paglabag sa Sections 5 at 11, Art II ng RA 9165. (JOJO SADIWA)