Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA pagbabahagi ni Angelica Panganiban sa kanyang socmed account ay nagpapasaklolo ito sa Bureau of Customs.
Sa pagse-share ni Angelica ng kanyang experience sa pag order ss online.
Umorder daw siya ng swimsuit na nagkakahalaga ng 7K.
Pero ang pinababayaran sa kanya ay P8,212 kaya gustong tumili ng walang sound si Angelica.
Grabe naman daw kasi ang charge or shipping fee ng items na kanyang in- order online.
Kaya natanong nito sa netizens kung paano ba makakontak sa Bureau of Customs.
May mga netizen naman na napa-react at relate much sa ibinahaging karanasan ng aktres kaya napa- comment ang ilang netizens.
Ang ikinatuwa ng aktres ay ang pag respond ng Customs sa hinaing ni Angelica.
Ikinatuwa ito ng aktres dahil magkakaroon na siya ng hustisya na feeling nito ay naabuso sa laki ng shipping fee.
***
Deniece, Kat at Cedric dismayado sa pansamantalang paglaya ni Vhong
TILA piyesta ang lahat ng taga-Its Showtime mula sa mga host down to maintenance.
Happy kasi ang lahat sa pagpayag ng korte na katigan ang kahilingan ng kampo ni Vhong Navarro para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Nakapaglagak ng 1M si Vhong kaya naman eto’t malaya na siya.
Kaya naman ang bawa’t isang kasamahan ay ganun na lang ang nadarama na kasiyahan.
Ang kampo nina Deniece Cornejo, Cedric Lee at Kat Alano ay dismayado raw sa pansamantalang paglaya ng TV Host actor, mag-apela kaya sila?
Sa paglaya ni Vhong, may mga netizen nagsasabi na pabalikin na ito sa It’s Showtime.
Malamang kukuha muna si Vhong ng maraming pahinga after ng pagkakakulong.
Isa sa masaya ay ang asawa ni Vhong na si Tanya at magiging masaya rin ang Pasko ng kanilang pamilya ngayon na kapiling na nila ang kanilang ka-pamilya.
Well, well, well…’Yun na!