Advertisers

Advertisers

BEBOT, NAKALABOSO SA PEKENG Php 1,000 BILL

0 171

Advertisers

NAGBABALA ang pamunuan ng Southern Police District ( SPD ) sa publiko na mag-ingat at suriing maigi ang mga naglipanang pekeng peso bills na kanilang natatanggap partikular ngayong Kapaskuhan dahil ito ang kadalasang buwan nang pamimili sa ibat-ibang lugar ng kamaynilaan.

Noong miyerkules ng madaling araw ( Disyembre 7 ) arestado ang isang babae dahil sa paggamit umano ng pekeng P 1,000.00 bill para magbayad ng pamasahe sa taksi sa may Gate 3 na matatagpuan sa Chino Roces extension, Bgy. Fort Bonifacio, Taguig City.

Batay sa ulat na tinanggap ni SPD District Director PBGEN Kirby John Brion Kraft, ang suspek ay nakilalang si Elizabeth de Roxas y Pruelo,40 anyos.



Ayon sa reklamo ni Jefrey Andrino y Darang,39 anyos, taxi driver, sumakay ang suspek sa minamaneho nitong taxi mula Malibay,Pasay City papuntang Gate 3 ng nasabing kampo.

Pagdating sa naturang lugar ay iniabot ng suspek ang isang P1,000 bill para sa pagbabayada ngunit nang suriin ni Andrino ang pera ay nagduda ito na peke ang binigay sa kanya dahil sa kulay ng papel. Nagmamadaling hiningi ng suspek ang kanyang sukli na P 850 subalit tumanggi ang driver at sa halip ay ibinalik sa kanya ang pera.

Pumunta ang suspek sa isang convenience store na malapit sa lugar upang magpapalit ng bill ngunit hindi ito nagtagumpay kayat ibinalik nito ang pera kay Andrino na humantong sa pagtatalo na naging dahilan upang humingi ng tulong sa Taguig City Police Substation 1 ang huli na nagresulta sa pagkakatuklas ng pekeng pera.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa himpilan ng pulisya habang inihahanda ang mga reklamo sa paggamit ng pekeng pera laban sa kanya.

“ Atin pong pinapaaalalahanan ang ting mga kababayan na siyasating mabuti ang perang tinatanggap para hindi mabiktima ng mga pekeng salapi. Tingnan natin angmga security features ng totoong pera, tulad ng security thread at water mark lalong-lalo na ngayong kapaskuhan ay madami na naman maglalabasang pekeng pera at mga masasamang elemento na magsasamantala sa paggamit nito.” ani Kraft



Samantala, tiniyak naman ng National Capital Region Police Office ( NCRPO ) sa ilalim ng pamumuno ni NCRPO chief PBGen Jonnel C. Estomo na mananatili ang lahat ng kapulisan na protektahan ang kaligtasan ng mamamayan laban sa lahat ng uri ng karahasan. (JOJO SADIWA)