Advertisers

Advertisers

Bungkalin na mga nakatiwangwang na lupa sa probinsiya, taniman ng gulay; at ang senior citizens

0 203

Advertisers

PANAHON na para bungkalin ang mga nakatiwangwang na lupa sa mga probinsiya, taniman ng mga gulay at root crops na madaling mapakinabangan.

Oo! napakamahal na kasi ng mga gulay sa palengke. Diyos ko…mapapakamot ka sa batok ‘pag nalaman mo ang bawat tali ng gulay tulad ng sitaw, talong, okra, ampalaya, kangkong, dahon ng kamote, dahon ng sili at iba pang panghalo sa isda o karne.

Kailangan nang tumutok tayo sa agrikultura tulad ng ginagawa ng mga karatig bansang Vietnam, Thailand maging China na silang nag-i-import ngayon sa atin ng mga gulay.



Dapat ang magsimula nito ay ang ocal government units. Huwag nang umasa pa sa Department of Agriculture (DA) dahil ang pukos ng mga animal na opisyal ng ahensiyang ito ay importasyon kungsaan sila kumakamal ng milyones na kickback!

Kaya mga mayor, mga Sir!, bilang isang probinsiyano ay sigurado akong may mga lupang nakatiwangwang sa inyong nasasakupan, hikayatin nyo ang mga may-ari ng lupa na taninam ito ng mga gulay. Suportahan sila sa gastusin dahil iyon ang kanilang pinoproblema, ang pagbungkal sa lupa, pagkukunan ng tubig na kailangan ng mga pananim at binhi.

Ang mga konsehal ang unang dapat gumawa ng hakbang, maglabas ng resolusyon na maglaan ng taunang pondo para sa agrikutura.

‘Pag nangyari ito, tiyak magiging sagana ang gulay sa inyong bayan, hindi na kailangan ng mga negosyante na mag-angkat pa mula sa kung saan-saang bayan o lungsod. Mismo!

Let’s do it, mga mayor!



***

Isinusulong ni Senador Bong Revilla na ibaba sa 56 anyos ang edad ng senior citizen mula sa 60.

Magandang panukala ito, Senate Bill1573, na ang layunin ay amyendahan ang Republic Act 7432 para sa senior citizens ng Pilipinas.

Sa kasalukuyang batas, ang mga senior citizen ay mayroong 20 percent discount sa mga bilihin, pagkain sa restoran/hotel, pati sa transportasyon. Ang mga indigent seniors ay mayroong social pension na P1K simula sa 2023.

Isa pang mambabatas ang nagsusulong na gawing universial ang social pension, ibig sabihin lahat ng senior citizens – mayaman man, pensioners ng SSS o GSIS – ay dapat kasama sa social pension. Galing!

Napakasarap pakinggan ng mga panukalang ito. Ang sinumang mambabatas na hindi boboto rito ay tiyak matatalo sa eleksyon. Mismo!

Ang problema lang kapag naging batas ang mga panukalang ito ay kung saan kukuha ng pondo. Dahil bangkarote ngayon ang kaban ng ating bansa. Baon sa utang, lomobo na sa P13.6 trilyon!, gawa ng nakaraang administrasyon na tadtad ng katiwalian. Peste!

Problema nga ngayon ni PBBM kung saan kukunin ang dagdag na P500 para maging P1K ang pension ng indigent seniors mula sa Enero 2023. Ipinasa kasi ang dagdag pension na walang tinukoy kung saan kukunin ang pondo. Araguy!!!