Advertisers
DINOMINA ni Hidilyn Diaz ang 2022 World Weighlifting Championship,pinakyaw ang lahat ng 3 gold medal na nakataya sa women’s 55kg division.
Pinagharian ng Olympic champion ang snatch at clean and jerk para magtapos na may kabouang buhat na 207 kg sa Gran Carpa Americas Corferias sa Bogota, Columbia.
Nakumpleto ni Diaz ang buhat na 93kg sa kanyang ikalawang attempt sa snatch, sapat na para maungusan si Ana Gabriela Lopez ng Mexico (90kg).
Isang buhat lang ang kailangan ni Diaz sa clean and jerk para masiguro ang gold medal.
Nakuha ni Morales ng Columbia ang silver sa clean and jerk at isa pang silver kanyang kabouang buhat na 199kg.
Ang gold medals mula sa world championships ang isa sa achievment na wala sa historic resume ni Diaz. Dati nyang nakuha ang bronze sa 2015,2017, at 2019 edition ng event.
Unang nagwagi si Diaz ng gold medal sa 2018 Asian Games at sa 2015 Asian Championship, at 2 gold medals sa Southeast Asian Games.
Bago makalawit ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Tokyo Olympics nakaraang taon, nasungkit nya ang silver medal sa 2016 Summer Games sa Rio de Janiero.