Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
NAGING birthday gift ni Ruru Madrid na nagdiwang ng kaarawan last December 4, ang screenshot test ng next project na The Write One na mapapanood sa GMA-7.
“Excited po ako dahil after four years na namin ng relasyon ni Bianca (Umali ), first time lamang naming magtatambal sa isang teleserye,” pahayag ni Ruru sa Chika Minute ng 24 Oras. “It was refreshing, ngayon pa lamang nag-sink in sa akin na finally we will be working together,” say naman ni Bianca.
“Nakakatuwa dahil nakita ko ang ibang side ni Bianca, ngayong magkatrabaho na kami, nakita ko kung paano magtrabaho si Bianca, alam ko marami akong matututunan sa kanya. Sa unang eksena namin ng screen test na napakahaba ng eksena, parang nag-taping ako ng isang araw, very challenging, iba talaga, diin na diin, napakahusay niya, ang galing niyang umarte, tiyak marami akong matututunan sa kanya.”
“Ako naman po, I`m preparing myself, more mentally, professionally, we are lovers sa story,” dagdag ni Bianca.
At tulad ng aming inaasahan ay hindi mawawala ang negative comment ng ilang marites na kesyo wala raw dating sa isang teleserye kapag alam ng lahat na magdyowa ang lead stars ng isang serye.
***
Matet nag-warning sa mga basher at fans ni Nora ‘pag ‘di tumigil
Tiyak na magre-react ang mga Noranian sa pahayag ni Matet de Leon na ang ate niyang si Lotlot de Leon ang maayos na nagpalaki sa kanilang magkakapatid. That time na sobrang busy ni Nora Aunor sa showbiz ay si Lotlot ang tumayong ina at nagpalaki sa kanila.
Tila binalewala ni Matet ang ginawang pagmamahal sa kanilang magkakapatid ng Superstar na siyang umampon sa kanya at iba pa niyang mga kapatid. Pero kung sa palagay ni Matet na si Lotlot ang totoong nagpalaki sa kanilang magkakapatid ay marapat lang siyang magpasalamat.
Ayon pa kay Matet, hindi siya naglabas ng video at ilabas ang tampo sa ina para umingay at pag-usapan siya dahil hindi sa ganoong paraan sila pinalaki ni Lotlot.
Pinuri rin ni Matet ang mga anak ni Lotlot dahil mababait daw ang mga ito at dahil na rin sa ginawa niyang pagpapalaki sa kanila.
Ang latest ay bina-bash na nga si Matet ng Noranians na agad naman niyang sinagot na itutuloy niya ang pagre-release ng screenshots ng chat nila ni Nora para patunayang alam nito na maglalabas siya ng bottled products. Nangako siya na gagawin ito kapag hindi siya tinigilang i-bash.
Kinol-out ni Matet si Kenneth dahil tila siya ang lumalabas na katulong ni Nora sa kanyang bottled food business.
Matatandaan na si Lotlot ang unang nagkaroon ng sama ng loob kay Nora at kamakailan ay nagkabati na rin ang dalawa. Tapos eto at kung kailan magpapa-Pasko sina Matet at Nora naman ang nagkakatampuhan.
Comment ng isang fan, sana ay joke lang ang nangyayari sa mag-ina.
Hindi naman nakapagpigil ang isa pang fan na magpahayag na dapat isipin daw ni Matet na kung hindi siya at mga kapatid niya inampon ni Ate Guy ay saan sila pupulutin ngayon.
Anyway, sana lang hindi na lumala pa ang tampo ni Matet sa kanyang ina.
***
PERSONAL: Happy birthday sa aking anak na si Sharon Ocampo na naka-base na ngayon sa Red Deer Canada kasama ng aking apo na si Shanelli Ocampo Ferros.
Love you anak and apo. Papa loves u.