Advertisers

Advertisers

Azkals may bagong head coach

0 153

Advertisers

KINUMPIRMA ng Philippine Azkals ang pagkakaroon nila ng bagong coach sa katauhan ni Josep Ferré Ybarz.

Ang Spanish coach ay nagtrabaho rin sa FC Barcelona Academy.

Unang sabak niya sa Azkals coach ay sa laban nila sa AFF Mitsubishi Electric Cup na magsisimula sa Disyembre 20 na papalitan nito si Thomas Dooley.



Ayon kay Azkals team manager Dan Palami, na ang karanasan ni Ferre sa Barcelona at ilang mga professional clubs ay siyang malaking tulong sa men’s national football team ng bansa.

Ilan sa mga record ni Ferre ay naging academy director ito ng FC Barcelona Escola, Kitchen SC sa Hong Kong at Buriram United sa Thailand.

Ang 39-anyos na Spanish coach mula sa Catalonia ay bumalik sa Asya bilang assistant sa Quess East Bengal sa India.