Advertisers
NANGIBABAW sina Japanese Saki Maruyama at Erika Habaguchi sa mga teams na nakapasok sa main draw ng Volleyball World Beach Pro Tour Futures Huwebes sa Subic Bay Sand Court.
Pinatalsik nina Maruyama at Habaguchi, ang kababayang sina Ami Shirahata at Sayaka Yamada, 21-18, 22-20, para masiguro ang tiket sa susunod na round ng torneong inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF).
Nanaig naman sina Canadians Darby Dunn at Olivia Grace Furlan kina France bets Manon Rebuffel at Melody Benhamou, 18-21, 21-18, 15-10, para makapasok sa women’s main draw.
Nakaabang na sa main draw ang tatlong teams mula sa Pilipinas kasama ang mga koponan mula sa Japan, Norway, Singapore, Czech Republic, Netherlands, USA, Canada, South Korea at France.
Humirit din ng tiket sina Ryoto Sato at Ryo Shindo ng Japan na nanalo kina Austrians Stefan Schosswohl at Matthias Gersin, 21-19, 23-21 habang nanalo naman sina Israeli Tomer Hadar at David Lanciano kina David Lenc at Filif Habr ng Czech Republic, 22-20.