Advertisers

Advertisers

‘MALIIT NA TAGUMPAY’

0 322

Advertisers

PINALAD kaming nakadalo noong Lunes sa isang pulong balitaan ng ama ng isang biktima ng madugo pero pumalpak na digmaan kontra droga ni Rodrigo Duterte. Kasama ni Rodrigo Baylon, ama ng pinaslang na Lenin Baylon, ang mga manananggol na si Mario Maderazo at Ansheline Bacudio sa sa pulong balitaan sa bakuran ng Commision on Human Rights (CHR) sa Kyusi. Madamdamin at mangiyak –ngiyak na humarap sa mga mamamahayag si Rodrigo, ama ng halos sampung taon na si Lenin na namatay dahil tinamaan ng ligaw na bala sa isang operasyon kontra droga ng mga vigilante noong gabi ng ika-2 ng Disyembre, 2016.

Nasa kasagsagan ng isinumpang giyera kontra droga ng administrasyong Duterte nang lusubin ng hindi nakilala na riding-in-tandem at ilang naglalakad na vigilante ang isang maralitang barangay sa siyudad ng Caloocan. Binaril ang dalawang babae na pinaghihinalaang gumagamit ng ilegal na droga. Tinamaan ng ligaw na bala si Lenin na lumabas noon sa isang computer shop dahil sa narinig na sunod-sunod na putok na baril. Naisugod si Lenin sa ospital, ngunit namatay siya pagkalipas ng tatlong araw. Sinabi ni Rodrigo na nakita nila ang mga kasama ng salarin na naglakad palayo sa lugar ng krimen, ngunit nakatalikod at hindi nakilala.

Ayon kay Rodrigo, pinilit siya ng pulis na hindi binanggit ang pangalan na lagdaan ang isang waiver na nagsasabing bronchopneumonia ang ikinamatay ni Leni at hindi tama ng punglo. Wala siyang nagawa sa giit ng pulis. Ito ang lumabas na sanhi sa death certificate ni Leni, bunso sa 13 anak. Hindi nagkaroon ng anuman autopsya sa labi ni Leni, aniya. Dito na nag-umpisa ang kuwento, aniya. Umapela si Rodrigo sa Regional Trial Court ng Caloocan City na baguhin ang sanhi, ngunit sa isang desisyon, ibinasura ng RTC ang petisyon sa pagbabago.



Sinabi ng RTC na walang “expert witness” na nagpatunay na nagpatunay na namatay si Lenin dahil sa tama ng punglo. Hindi tinanggap ng RTC ang isinumite na Medico-Legal Certificate dahil isinaad nito ang insidente ng barilan at hindi ang anumang pagsusuri sa katawan ni Leni na nagpatunay na bala ng baril ang sanhi ng kamatayan. Tinulungan ang pamilya ni Leni ng Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS), isang NGO ng mga manananggol ng karapatang pantao. Nagsampa sila ng petisyon para palitan ang sanhi ng kanyang kamatayan sa RTC ng Caloocan City.

Nagsumite ng motion for reconsideration sa RTC ang IDEALs at pamilya Baylon ng police report na nagpakita na namatay si Leni sa tama ng bala. Kasamang isinumite ang isang medico-legal report at pahayag ng ,mga saksi upang palitan ang sanhi. Hindi kinilala ng RTC ang mga isinumite na mga dokumento at ibinasura ang MR. Umapela ang pamilya Baylon sa Court of Appeals (CA). Pumayag ang CA na palitan ang sanhi sa “death by gunshot wound” at hindi bronchopneumonia dahil nagkamali ang RTC.

Noong ika-15 ng Nobyembre 2022, sinabi ng tatlo-katao 7th Division ng CA: “The Baylon family did not need a medico-legal expert’s testimony to correct Lenin’s death certificate. .. Matter of factly, we find that the appellant was able to prove with preponderance of evidence that indeed, Lenin died due to a gunshot wound (on his right chest near his armpit) even in the absence of a post mortem examination. Si Associate Justice Roberto Quiroz ang sumulat ng desisyon. Sinang-ayunan ito ni Associate Justices Ramon Bato Jr at Germano Legaspi.

Sa pulong balitaan, kinumpirma ni Rodrigo at mga abogado na hindi lang ang death certificate ni Lenin Baylon ang may maling sanhi sa kanilang death certificate. May mga ilang biktima ng EJKs kaugnay sa bigong digmaan kontra droga ni Duterte na may ibang sanhi sa kanilang death certificate. Hindi tama ng bala kundi pneumonia, shock, sepsis at iba pa. Hindi nila kinumpirma ang bilang nila ngunit sama-samahin silang lahat, hindi wasto na nasa mahigit 6,000 ang mga namatay sa EJKs, anila. Mahigit pa kapag nasuma lahat, anila.

Tinagurian ni Rodrigo na “maliit na tagumpay” ang pagbabago sa tamang sanhi ang pagkamatay ni Lenin, ngunit maaaring ito ang umpisa ng inaasam nila na pagkuwenta sa totoong nangyari sa itinakwil na giyera kontra ni Duterte. Marami ang hindi totoo at kasinungalingan sa salaysay o narrative ng digmaan kontra droga ni Duterte, ani Rodrigo. Pinilit nilang binulag ang sambayanan upang ipakita na “tama” ang giyera kontra droga, anila.



Ito ang umpisa ng rehabilitasyon sa mga biktima ng palpak na giyera kontra droga, anila. Dito mag-umpisa upang ilahad ang totoong kuwento at hindi ang kuwento ng mga mersenaryo ni Duterte na nakabatay sa pagtatakip sa katotohanan at totoong nangyari. Inaasahan nila na umpisa ito upang humingi ang pamilya ng mga biktima ng kaukulang pagbabago na tulad ng ginawa ng pamilya Baylon.

Sa tanong namin sa pulong balitaan kung nakilala ang mga nagsabwatan sa pagtatakip sa totoong sanhi ng kamatayan ni Lenin at kung naghahanda ng kaukulang asunto sa mga nagsawatan, sinabi ni Maderazo, ang manananggol ng pamilya Baylon na nakahanda sila upang maghabla kung nanaisin ng pamilya Baylon. Gayunpaman, mahalaga ang desisyon ng CA upang magkaroon ng ganap na documentation sa usapin ng mga nasawi sa madugo ngunit bigong giyera kontra drog ni Duterte.

***

Bago maglaway ang mga opisyal ng Government Service Insurance Corporation (GSIS) sa pagtataya ng mga kontribusyon para sa pensyon ng mga miyembro nito, dapat pagbutihin muna nito ang serbisyo at pagtrato sa mga kasapi at retirees nito. Itong ating kaibigang si Danilo de Austria Consumido ay sumubok mag-aplay ng retirement matapos ang 24 taong pagtatrabaho sa gobyerno. Tinanggap naman ang kanyang aplikasyon at proseso mula noong Agosto, at sinabihan pa siya na baka makuha niya ang benepisyo sa Disyembre 11. Ngunit bago pa Disyembre 11 tinawagan na siya upang ayusin ang kanyang e-card kung saan ihuhulog daw ang kanyang pensyon.

Tuwang tuwasi kaibigang Danny, na operado sa puso, na nagpunta sa GSIS, kasama ang kanyang misis. May pambili na ng gamot, wika nilang mag-asawa. Sinabi ng processor na “malaki” daw ang makukuha niya, kaya tuwang tuwa sila. Pinababa sila para kumuha na ng e-card, kaya naman lalong lumakas paniwala ng dalawa. Sa window ng bigayan ng e-card, inulit sa kanila na “malaki” nga makukuha nila. Ngunit nang tinanong ni Ka Danny kung magkano, tinignang mabuti ng kawani ang kanyang computer at sinabing: “naku sir, wala pala kayong makukuha. Separation pay lang.”

Pinabalik ang dalawa sa prosesor para hingan ng paliwanag. Ang sabi pa rin, “hindi sir, may pensyon kayo,” at dinala ang mga dokumento sa isang seksyon ng opisina. Pagbalik, malamig na sinabi ba “wala nga kayong pensyon, separation benefit lang.” Sinabi na P100,000 lang ang makukuha at idedeposito ito matapos ang 5 araw. Ang tanong, bakit pinaabot ng 4 na buwan bago sabihin na may problema pala? Bakit pinaasa ang tao? Ang masama pa dineposito nga ang P100,000. Pero binawi din dahil may mali daw sila sa kompyutasyon at kailangan ang 20 araw sa re-computation, samantalang 4 na buwan sa kanila ang mga dokumento.

Grabeng kapalpakan ito. Dapat ireklamo sila ng damages sa pagbibigay ng maling impormasyon at pagbibigay ng false hopes, na nagresulta ng matinding “konsumisyon” sa kaibigang Danny Consumido, isang multi-awarded na manunulat. Samantala, nagpahayag ang chairman ng gsis na payag silang itaya ang pera ng mga kasapi ng GSIS sa Maharlika Sovereign fund ng mga Marcos at Romualdez.

***

NAKAKAGULAT isipin na sa maraming pulitiko, atleta, at prominenteng personalidad sa lipunan, tanging si VP Sara Duterte ang nagbigay ng “words of encouragement kay John Amores na nag-amok sa isang laro ng NCAA. Lahat ay dumistansya at kumondena sa asal ni Amores na tinanggal ng pamunuan ng Jose Rizal University (JRU) sa kanilang team. Kunsabagay, pareho lang silang mga basagulero. Sino ang magmamahal sa palaaway kundi ang kapuwa palaaway?