Advertisers

Advertisers

283 ‘talpakero’ huli online sabong

0 172

Advertisers

UMABOT na sa 283 katao ang inaresto sa Central Visayas sa loob lamang ng anim na araw nang paigtingin ng regional police ang kanilang kampanya kontra sa iligal na operasyon ng online sabong.

Ayon kay Brigadier General Roderick Augustus Alba, direktor ng Police Regional Office 7, pinalakas din nila ang intelligence-gathering at information sharing sa mga lokal na komunidad upang tugisin ang mga nagpapatakbo ng e-sabong at mga talpakero nito.

Aniya, ang agresibong kampanya kontra e-sabong sa Central Visayas ay batay narin sa direktiba ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Rodolfo Azurin, dahil narin sa mga ulat na talamak na naman ang ‘guerilla operations’ ng online sabong sa bansa.



Sa ulat ng PNP, target ng mga iligal na online sabong ang overseas Filipino workers (OFWs) partikular ang seafarers.

Aabot naman sa P156,000 na taya ang kanilang nakumpiska sa anim na araw na operasyon mula Disyembre 5 hanggang 10.(Mark Obleada)