Advertisers
HINDI na nga normal ang nangyayari sa biglang pagtaas ng mga bilihin ngayon. Abnormal sa new normal!
Maging ang “Super Ate” ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. na si Senadora Imee ay nababahala na sa mga nangyayari. Alam niyang ang kanyang nakababatang kapatid ang bubuweltahan ng mamamayan partikular ang higit 31 milyong naghalal kay PBBM sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin.
At hindi ito maganda para kay Imee na nangangarap maging presidente pagkatapos ng kanyang brader sa 2028.
Kapag lumala pa ang presyo ng mga bilihin, siguradong babagsak ang popularidad ng Marcos. Pag nangyari ito, mawawalan ng tsansa si Imee maging ang kanyang pamangkin o pinsan man na maging lider din ng Pilipinas.
Ang tanging nasabi ni Imee sa abnormal na pagtaas ng mga bilihin lalo agricultural products ay: “Not normal. Ngayon ang taas ng mga bilihin. Hindi maintindihan kung bakit ganyan ang bilihin, kung bakit ganyan ang nangyari. Mas mahal na ang diesel kaysa gasolina. Talagang hindi na normal.”
Si PBBM ay nahihilo narin sa pangyayari sa patuloy na pagtaas ng inflation rate. Ang huling data ay P8 percent na. Pinakamataas sa ASEAN countries. Tataas pa raw ito, sabi ng mga ekonomista.
Pero sa data, sa ASEAN countries, Pilipinas lang ang pinakamataas ang inflation. Sa mga karatig bansa ay hindi gumagalaw ang presyo ng kanilang bilihin, mababa ang kanilang inflation rate. Tulad ng Indonesia (5.42 %), Vietnam (4.37%), Singapore (5.1%), Malaysia (4%), Thailand (5.98%), at Cambodia (4.9%).
Dati ang Pilipinas ang nag-e-export ng bigas sa mga bansang ito. Ngayon Pilipinas na ang nag-i-import ng agri products.Sa kung anong rason, korapsyon!
Oo! Hindi narin normal ang korapsyon sa Pilipinas. Pandemya na! Kada bago ang administrasyon, bago din ang mga magnanakaw. Patindi nang patindi tulad ng presyo ng mga bilihin, walang preno ang pagtaas. Hindi na nga makontrol, sabi ni PBBM!
Actually, nagsimula ang lahat nang ito sa nakaraang administrasyon kungsaan nabaon ng todo todo sa utang ang Pilipinas, higit P13.6 trillion na! At ang naging rason nila ay ang Covid-19. Animal!
Pero kung ang annual report ng Commission in Audit ang pagbabasehan, sa termino ni ex-President Rody Duterte nangyari na halos lahat ng ahensiya ng pamahalaan ay kinakitaan ng daan daang milyon hanggang bilyones na katiwalian! Remember the Dept. of Health sa Pharmally scam at PhilHealth anomaly!
At sa kabila ng mga ibinunyag ng CoA, silang state auditors pa ang binuweltahan dito ni Duterte. Binantaang ihuhulog sa hagdanan. Hehehe…
Ang mga opisyal na sangkot sa katiwalian during Duterte admin prinotektahan, nilinis, hindi raw korap, hindi raw magnanakaw dahil ubod na ito ng yaman. Putah!
At ang masaklap rito, lahat ng isyu ng pandarambong ng mga opisyal ng nakaraang administrasyon ay libre kay PBBM. Hindi sila hahabulin, hindi iimbestigahan. Ang katuwiran ni PBBM ay wala siyang paki sa mga iyon. Ang kanyang pokus lang daw ay ang sa kanyang administrasyon. Tsk tsk tsk…
Kung ang lahat ng maging presidente ay katulad ng pag-iisip ni PBBM, na walang paki sa pangungulimbat ng nakaraang administrasyon, aba’y lahat nalang ng mauupo sa kada administrasyon ay magnanakaw dahil hindi naman sila gagalawin pagkatapos ng kanilang termino e. Mababangkarote talaga ang Pilipinas sa abnormal na pag-iisip na ito. Pwe!