Advertisers

Advertisers

‘Drug queen’ sa Leyte timbog

0 154

Advertisers

NAGKAKAHALAGA ng P5.2 million ng shabu ang nasamsam at nadakip ang isang drug queen sa isang buy bust operation sa Ormoc City.

Kinilala ang nadakip na si Riza C. Wenceslao alyas “Madam Lyka”, 45 anyos, ng Barangay Linao, Ormoc City, Leyte.

Ayon kay PNP Chief, General Rodolfo Azurin Jr, 9:45 ng gabi nang magsagawa ng buy bust ang pinagsanib na mga elemento ng Regional Police Drug Enforcement Unit 8 (RPDEU 8), 121st Special Action Company (SAC), PNP-Special Action Force (SAF), Ormoc City Mobile Force Company (CMFC) sa Brgy Linao.



Nasamsam kay Wenceslao ang 59 plastic sachets ng shabu na may timbang na 768 grams na nagkakahalaga ng P5.2 million.(MARK OBLEADA)