Advertisers

Advertisers

SI KRISTO ANG AGINALDO NG MUNDO

0 163

Advertisers

NAPAKABILIS talaga ng panahon, aba’y ilang araw na lang, Pasko na! Kasunod nito, ang pagsalubong natin sa Bagong Taon ng 2021.

Sana ngayong Pasko, ating rin alalahanin na ang Panginoong Jesus ay isinilang sa mundong ito hindi upang magmalaki at magmapuri sa sarili.

Ang sarili ni Jesus ay ginawa niyang aginaldo at handog Niya sa Mundo, nang akuin ng Panginoon ang lahat ng ating Kasalanan.



Siya ang tumanggap ng mga parusa na tayo na mga makasalanan ang dapat na tumanggap ng kirot at pasakit.

Si Kristo ang nagpakita ng halimbawa ng isang masunuring anak ng Diyos. Kung tutuusin, kaya Niya na huwag mangyari na mapako siya sa Krus at kaya Niyang iligtas ang sarili sa lahat ng paglibak at pagtuya ng mga ayaw sumampalataya sa kanyang pagiging Anak ng Diyos.

Pero ano ang sabi ni Jesus? “Mangyari ang kalooban Mo, hindi ang kalooban ko!”

Nang magpapako sa krus, ipinagkatiwala Niya ang kanyang buhay sa sinapupunan ng Dakilang Diyos, ang sarili ni Jesus ang unang aginaldo niya sa unang-unang Pasko sa Bundok ng mga Bungo sa Golgota, Roma.

Regalo, Chritmas gift ni Jesus ang Sarili Niya sa atin.



Gantihan natin ng kabutihan ang ginawa ni Jesus na siyang tunay na diwa ng Pasko. At matuto tayong humingi ng patawad at magpatawad.

Pasko. Kristo. Jesus.
***
Tama na dapat na magsaya, kasi kaarawan ng Dakilang Manunubos, ang Panginoong Jesus.

Nang isilang si Jesus, sa isang hamak na sabsaban sa Betlehem, na Anak ng Diyos, bakit sa dukhang lugar pinili na siya ay ipanganak ni Maria?

May takdang misyon kasi si Kristo: ito ay ang tubusin nga tayo sa ating mga kasalanan, at ang bawat latay, bawat dura sa mukha, sa bawat hampas sa kanyang katawan, ang bawat tinik na bumaon sa kanyang ulo, ang bawat patak ng dugo mula sa Kanyang banal na katawan ay bayad ni Jesus sa ating mga pagsuway, at maging hanggang ngayon, Siya pa rin ang nagbabayad sa patuloy nating paggawa ng mga kasalanan.

Ang ganitong paghihirap ay naranasan kamakailan lamang ng ating mga kababayan gawa ng COVID-19 pandemic at mga lugar na sinalanta ng mga bagyo sa Luzon at Visayas area.

Hanggang ngayon ay bakas pa rin ng pandemic at ng mga bagyo sa ilang mga lugar ang sobrang hirap – libo-libo ang nawalan ng trabaho at ng mga tirahan, marami pa rin hanggang ngayon ang namamalimos, merong nakagagawa na ng labag sa batas upang mapakain ang mga mahal sa buhay na masuwerteng nakaligtas sa karit ng kamatayan.

Kailangan nila ng tulong, kaya ang malabis na pagsasaya o pagdiriwang ng Christmas Party ay napapanahon ba sa ngayon o hindi.

Ang pagsasaya sana at mamahaling regalo at salaping gagastusin sa pagdiriwang ay pwede bang iambag na muna, itulong na lamang sana nila sa mga biktima ng mga nakaraang bagyo at pandemic crisis.

Sa ilang lugar kasi tulad ng Bicol Region, Regions 1 & 2, Central Luzon, MIMAROPA at CALABARZON ay kaawa-awa ang ating mga kababayan na “pinatay” na ang buhay at pag-asa ng mga malupit na bagyo.

Buhay ni Jesus ang ibinigay Niya sa krus: ang ilang subo ng kanin, at ilang kurot sa masasarap na uptake (sana) ay hindi ba natin maibibigay sa mga labis na naapektuhan ng matinding COVID-19 pandemic at mga sinalanta ng kalamidad?

Mabuhay tayong lahat at Maligayang Pasko.
***
Anyare sa balitang inimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) at kinasuhan umano ng graft sina dating Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, Deputy Commissioner for Intelligence Group Raniel Ramiro at Accounts Management Office (AMO) chief Col. James Joven kasi raw, binigyan ng accreditation ang mga hao-shiao at ghost import and export company?

E kailan naman uusigin si dating Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar Dulay na umano may niyari raw na tax exemption sa malalaking kompanya?

Maraming BIR examiner ang kasabwat sa tax evasion, tax avoidance na bilyon-bilyong pisong buwis ang nawawala sa bayan at naibubulsa lamang ng mga tiwaling negosyante at opisyal ng gobyerno.

Tama na isama rin sa mga uusigin ang Department of Agriculture (DA) at ang Land Registration Administration (LRA) .

Patay ang mga local farmers at livestocks growers sa talamak na importasyon ng bigas, pork, manok, beef, sibuyas, bawang, carrots at frozen fish.

Kaya maraming sumasama sa mga rebelde kasi maraming landgrabber ang nagtagumpay na maagaw ang lupa sa mga magsasasaka at katutubo dahil sa kasabwat ng mga opisyal ng LRA at ng mga opsyal ng Register of Deeds sa mga lalawigan.

Kaya marami ang sumasama sa New People’s Army (NPA) kasi hindi makuha ang mga nirepormang lupa na bigay ng gobyerno at nganga lamang yata ang Department of Agrarian Reform (DAR).

Kumusta ang korapsiyon sa telecommunications at iba pang public utilities, ‘wag nang banggitin pa ang katiwalian sa LGUs na tagos hanggang sa kapitan ng barangay.

Tama ang sinabi noon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na, talamak ang korapsiyon sa gobyerno at mga kasabwat na mga negosyanteng pahirap sa bayan.

Sana sa panahon ngayon ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ay magtagumpay ang administrasyong ito sa giyera sa mga mandarambong.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.