Advertisers

Advertisers

Grab tinabla ang LTFRB sa surge fee issue hearing

0 178

Advertisers

Iwas pusoy ang pamunuan ng Grab sa patawag na hearing ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ( LTFRB) para maipaliwanag kung bakit may kakabit na agad na surge fee sa mga pasahero na sasakay sa TNVS taxi.

Kahapon, hindi sumipot ang isa mang tauhan ng Grab sa LTFRB makaraang padalhan ng imbitasyon para dumalo sa public hearing hinggil sa surge fee.

Inirereklamo ng mga commuters sa LTFRB na agad na nakasama sa kanilang pasahe ang surge fee gayung dapat ito ay kinokolekta lamang kung rush hour.



Isang anchorman ng DZXL ang nagreklamo na P180 lamang ang dapat na pasahe niya sanGrab taxi pero siningil siya ng mahigit P200 dahil may kasama na agad surge fee gayung wala pa sa rush hour ang pagsakay sa naturang sasakyan.

Kahapon , sinabi ng LTFRB na bubusisiing mabuti ang reklamo at agad na magpapalabas ng desisyon dahil kapakanan ng mananakay ang nakasalalay dito.

Sa pagdinig, nagsumite si Atty. Ariel Inton, presidente ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ng kanilang panig hinggil dito.

Anya, tumaas ang ridership ngayong holiday season kaya’t marapat na magpalabas na agad ng resolution ang LTFRB hinggil sa reklamo ng mamamayan laban sa Grab.

Kinuwestyon din niya kung bakit pati sa short trip ng TNVS ay awtomatikong nakadagdag na agad ang P85 sa pasahe dito



“Dapat isubpoena ng LTFRB ang Grab para ipaliwanag nila kung bakit may nakakarga agad na P85 sa short trip gayung wala naman yang pahintulot sa LTFRB” sabi ni Inton.

Nanawagan din sa Inton sa publiko na ireklamo agad sa LTFRB ang mga singil sa TNVS para aksyunan ng ahensya.