Advertisers

Advertisers

NCRPO, NAGBUNYI SA PROMOSYON NI ESTOMO AT 205 NEWLY PATROLMEN, SASANAYIN SA TRAINING

0 199

Advertisers

IPINAGDIWANG ng tanggapan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang bagong na-promote na si Regional Director PMGen Jonnel C. Estomo sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Ipinagmalaki ng officers men and women at non-uniformed personnel ng NCRPO ang bagong promosyon ni Estomo bilang Police Major General (PMGen) ng Philippine National Police.

Si Estomo, kasama ang 53 iba pang mid-level at matataas na opisyal na-promote ng General at Colonel ay pinagkalooban ng isang simpleng seremonya ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Atty. Benjamin C. Abalos Jr. , sa gitna ng isang maningning na aktibidad s Rollout ng ‘BIDA’ Program na ginanap sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.



Pinangasiwaan ni PNP Chief PGen Rodolfo S. Azurin Jr, ang oath-taking at pagbibigay ng ranggo ng NCRPO Regional Director sa Camp Crame, Quezon City, sa parehong araw ng PNP Command Conference.

Si Estomo ay malugod na tinanggap ng kanyang mga opisyal at tauhan sa NCRPO at nangakong susuportahan ang magandang adhikain nito sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa buong Metro Manila.

Ang NCRPO ay isa sa pinakakomplikadong police regional unit sa bansa at dahil sa pakikipagtulungan ng local government units (LGUs) na nasasakupan ng kapulisan ay nakagawa ito ng ilang matagumpay na operasyon, mga programa at nakakuha ng mga malalaking kaganapan sa panahon ng panunungkulan ni Estomo.

Nabatid na si Estomo rin ang lumikha ng S.A.F.E NCRPO na ang ibig sabihin ay “Seen, Appreciated and Felt by the people through Extraordinary actions.” na naglalayong palakasin ang police visibility upang maiwasan ang kriminalidad sa Metro Manila.

Samantala, umabo sa 205 newly appointed Patrolmen ang nakatakdang sumailalim sa rigid training. Sila ay dadalhin sa tanggapan ng Regional Learning and Doctrine Development Division (RLDDD) at tuturuan ng kaalaman ng anim na buwan ukol sa Public Safety Basic Recruitment Course.(PSBRC).



“ Ang disiplina, pagtitimpi at respeto na ituturo at matututunan ninyo sa training ay mahalaga sa ating organisasyon. At sa paglipas ng anim na buwan, magiging handa at ganap na kayong lingkod bayan na kaisa namin sa pagpapatupad ng S.A.F.E NCRPO para sa isang ligtas na Metro Manila.” (JOJO SADIWA)