Advertisers
NILINAW ng Office of Transportation Security (OTS) ang umano’y illegal recruitment na ginawa ng isang empleyado ng OTS na ipinalabas sa radio program na pinangunahan ni Senator Raffy Tulfo noong Disyembre 9,2022.
Sinabi ni OTS spokesperson Kim Marquez na natuon ang atensyon sa umano’y illegal recruitment ng isang empleyado na kinilalang si Nelly Dimaano na sinasabing nangolekta ng P 25,000 bawat isa para sa 27 aplikante.
Si Dimaano ay dating Transport Security Accreditation and Training Management Service ng OTS hanggang sa siya ay nag-indefinite leave of absence bago matuklasan ang mga iligal na aktibidad nito.
Sa nasabing episode, walang kontrobersya ang malawakang alegasyon laban kay Dimaano. Sinadya pa niyang inamin na sa katunayan ay nakatanggap siya ng pera kapalit ang paglalagay sa mga biktima sa ilalim ng trabaho ng OTS.
Ang pamunuan ng OTS ay nagsagawa na ng pagsisiyasat upang aklasin ang mga sangkot dito sa iligal na gawain. HInding -hindi papayag ang pamunuan ng OTS sa sinumang nagnanais na lumabag sa batas.
“We shall file cases againts those officers and personnel involved and guilty of such gross misconduct, and make sure that appropriate safeguards will be implemented to prevent similar incidents.” Ani Marquez
Pinayuhan din ng naturang ahensiya ang publiko na direktang isumite ang kanilang mga aplikasyon sa trabaho sa OTS HUman Resource Section-Administrative and Finance Services sa pamamagitan ng kanilang e-mail address:hr@ots.gov.ph.
Hinikayat din nito ang publiko na iulat ang anumang pagkakataon ng mga katulad na aktibidad sa illegal recruitment sa Opisina ng Administrator, sa pamamagitan ng Public Affairs Division, sa e-mail address: pio@ots.gov.ph
Matatandaan na noong mga nakalipas na panahon ay naging kontrobersyal ang ilang empleyado ng OTS dahil sa kanilang ‘modus operandi’ na ‘tanim bala’ na naging kaliwat-kanang batikos at reklamo ng mga pasahero sa NInoy Aquino International Airport (NAIA) terminals sa lungsod ng Pasay. (JOJO SADIWA)