Advertisers

Advertisers

P40k shabu, nakulimbat sa mag-asawa

0 182

Advertisers

Arestado ang mag-asawa nang makuhanan ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng higit kumulang na P40,800 nitong Sabado ng gabi sa Navotas City.

Kinilala ang mga suspek na sina Harold Montanez at Razel Ricafort, parehong 18 anyos, at nakatira sa Barangay NBBS Dagat-dagatan.

Ayon kay Acting Northern Police District directo Col. Rogelio Penones Jr., nakuha sa mga suspek ang 7 sachets ng shabu.



Samantala, kasalukuyan nasa kustodiya ng kapulisan ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.