Advertisers

Advertisers

PABAHAY SA MINDANAO ISASANTABI MUNA NG DHSUD?

0 10,537

Advertisers

Sa pagsulong ng bansa ay tila mahuhuli sa listahan ng DEPARTMENT OF HUMAN SETTLEMENT AND URBAN DEVELOPMENT (DHSUD) ang proyektong pabahay sa MINDANAO.., na ito ay ayon sa impormasyon ng mga henyong oberver sa ating bansa.

Nang maupo si PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR. sa MALACAÑANG ay nabuhay ang pag-asang magkaroon ng sariling bahay ang mga maralita.., pag-asang mas lumapit pa sa katuparan nang banggitin niya sa kanyang kauna-unahang STATE OF THE NATION ADDRESS ang mga prayoridad ng administrasyon sa susunod na anim na taon.

Pero ang pag-asa.., bahagyang gumuho nang kumpirmahin ng COMMISSION ON APPOINTMENTS ang INTERIM APPOINTMENT ng isang BIG-TIME CONTRACTOR bilang DHSUD SECRETARY sa kabila ng agam-agam ng sambayanang tila nangangamba sa nakaambang monopolyo sa programang pabahay ng gobyerno.



Hindi lingid sa kaalaman ng marami na pasok ang COMPANY OWNED ni SECRETARY JERRY ACUZAR sa mga proyektong pabahay ng pamahalaan.., na patunay niyan ang NEW SAN JOSE BUILDERS na siya mismo ang nagtaguyod noong dekada 70 ang nakasungkit ng dalawang pinakamalaking housing projects sa NATIONAL HOUSING AUTHORITY (NHA) na ngayon ay nasa ilalim ng kanyang pangangasiwa bilang DHSUD SECRETARY.

Diyan pa lang may CONFLICT OF INTEREST na posibleng ang mga malalaking proyekto ay masosolo na umano ni ACUZAR.

Ang masaklap pa, biglang humirit si ACUZAR na kailangang mangutang ng tumataginting na P1.2 TRILYON bilang tugon sa direktiba ni PRES. BONGBONG MARCOS.., bukod pa sa P36 BILYON na giit para di umano sumipa ang pagpapatayo ng isang milyong housing unis para sa mga pobreng FILIPINO FAMILY.

Ang totoo ay may pondo ang DHSUD bago pa man naupo sa pwesto si ACUZAR sa naturang departamento.., na ayon sa isang impormanteng nasa loob mismo ng nasabing kagawaran ay may naiwang P157 BILLION SAVINGS mula sa iba’t ibang tanggapan sa ilalim ng DHSUD.

Bakit hindi yun ang gamitin ni ACUZAR para umarangkada ang ipinagmamalaki niyang pabahay?



Ang tanong.., nasaan na ang P157 BILLION WORTH SAVINGS na bulong sa atin ng tagaroon mismo sa kanyang tanggapan? Naubos na ba sa pitong groundbreaking o naipagtabi na ng may masusuwerteng mga palad?

But wait, there’s more.., ang mga ikinakasang HOUSING PROJECT sa MINDANAO e tila isinantabi muna dahil hindi raw ito prayoridad ayon sa ating mga ARYA BUBUYOG.

Tanong ng mga kakompetensiya.., este,dapat daw bang ipagkatiwala kay ACUZAR ang pagiging DHSUD SECRETARY na nagmamay-ari ng kompanyang nangongontrata sa mismong departamentong kanyang pinamumunuan ang P1.2 TRILYON na ipangungutang pa ng pamahalaan?

SOMALOPES.., tila mas masahol pa pala yan sa kontrobersyal na MAHARLIKA WEALTH FUND!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.