Advertisers

Advertisers

PBBM MULING PABABANGUHIN ANG PINAS

0 668

Advertisers

NGAYONG Lunes (December 12) inaasahang nasa bansang Belgium na ang Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) Jr.

Sampung (10 ) state leaders mula sa European Union ang maka-ka-one-on-one ni PBBM upang lalo pang palakasin ang ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa.

Kabilang din dito ang mga lider ng bansang Estonia, Czech Republic, Spain, Denmark, Germany, Poland, Finland, The Netherlands at European Union.



Ang mga ‘bilateral meeting’ na ito ay sa kabila ng pagdalo ng Pangulo sa tatlong araw Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

At di lang yan, magiging abala rin si PBBM sa pakikipag-one-on-one meeting sa mga namumuno sa malalaking korporasyon gaya ng Unilever, Ocea, Acciona, at SEMMARIS, na maaaring magtiyak ng mahigit na anim na bilyong piso ( P6 billion) na puhunang papasok sa ating bansa.

Walang ibang makikinabang sa mga pakikipag-pulong na ito ni PBBM kung di tayong lahat na Filipino at ang mahal nating Inang Bayan.

Muling sisigla ang ekonomiya sa mga papasok na mga mamumunuhan at sa pakikipag-ugnayan ng mga lider ng sampung nabanggit na bansa.

Muling ring babango ang image ng Pilipinas sa European Union na alam naman nating mayayamang bansa ang mga kasapi.



Sisigla rin pihado ang Turismo at madadagdagan ang magkakatrabaho, pagtapos ng biyaheng ito ni PBBM, na di natin kinakikitaan ng pagod sa pagpapabango ng Pilipinas para lamang maiahon ang ating bayan sa kahirapan.