Advertisers

Advertisers

Pelikulang ‘My Father, Myself’ malaking challenge kay Sean de Guzman

0 211

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

AMINADO si Sean de Guzman na nakaramdam siya ng kakaibang excitement nang makapasok ang kanilang pelikulang My Father, Myself sa annual Metro Manila Film Festival (MMFF).
Pakli ng guwapitong aktor, “Yes, sobrang excited, lalo na first time ko makakalahok sa mga ganitong patimpalak sa larangan ng sining dito sa Pilipinas kaya nakakakaba rin.”
Bukod kay Sean, tampok sa My Father, Myself sina Dimples Romana, Tiffany Grey, at Jake Cuenca. Ito ay mula sa pamamahala ng award-winning na si Direk Joel Lamangan.
Nagkuwento si Sean ukol sa kanilang pelikula.
Aniya, “Ang character ko po rito is si Matthew, ako po yung kinupkop nina Tita Amanda (Dimples) and Tito Robert (Jake) and isang human rights lawyer po ako rito.”
Nabanggit din niya ang saloobin sa mga humuhusga sa kanilang pelikula.
Pahayag ni Sean, “Para sa akin masakit siya minsan, iyong iba… kasi, mababasa mo na sinasabi ng iba na, ‘Akala ko ba ang MMFF ay pang family, pang masaya lang? Pero bakit may ganitong entry,’ hindi ba?
“So, hindi pa man nila napapanood ay jina-judge na nila. Pero good thing is napag-uusapan tayo, kumbaga ay may laman, may content.”
Pagpapatuloy pa niya, “Pero I’m happy na may mga taong sinusuportahan pa rin kami and proud ako sa film namin. Dahil unang-una ay kay Direk Joel Lamangan ito and of course, ang gagaling ng mga kasama kong artista rito, especially sina Kuya Jake, Ate Dimples, at Tiffany.
“And sana lang po, huwag po nilang i-judge ang pelikula namin, hanggang hindi pa po nila napapanood, salamat po,” sambit pa ng guwapitong alaga ni Ms. Len Carrillo.
Ipinahayag din ni Sean na malaking challenge sa kanya ang pelikulang My Father, Myself dahil kay Direk Joel.
“Agree po ako sa sinabi ni Ate Dimples, kasi po yung mga naranasan niya noon (kay Direk Joel), ako po ang nakakaranas ngayon… kung sino yung mga bago, kami po, sobrang… kasi kay direk Joel din po ako nag-start simula sa movie na Lockdown, sa Macho Dancer, at until now.
“Sobrang thankful po ako kay Direk, kasi siya ang nag-launch sa akin at siya rin ang unang direktor na nagbigay sa akin ng award, international awards po, dalawa.”
Pagpapatuloy pa ni Sean, “Si Direk kasi, parang kapag tsina-challenge ka niya, well, nandoon iyong hirap, pero nandoon din iyong parang satisfaction mo as an actor. Na parang, ‘Shit, kailangan ko itong gawin, para iyong pressure na nararamdaman ko galing kay Direk, parang yung expectations niya ay kailangan kong ma-meet’.
“Iyong kahit magkamali ako ay tuloy lang, kasi nandyan si Direk na gina-guide kami. Sobrang hands-on niya sa mga actor at pantay-pantay ang tingin niya sa lahat.”
Ang My Father, Myself ay mula sa panulat ni Quinn Carrillo at under ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at Mentorque Productions ni Bryan Dy. Kabilang din sa producers ng pelikula sina Win Salgado, Jumerlito P. Corpuz, at Nicanor C. Abad.