Advertisers
MATAPOS ang matagumpay na kampeonatong laban sa IBF Super Featherweight kung saan ay dinispatsa ni Charly Suarez ng Pilipinas ang maangas na Indonesian boxer na si Defry Palulu via third round stoppage ay handa nang pumailanlang ang Pinoy boxing Olympian sa kanyang misyong maging kampeon sa mundo sa madaling hinaharap.
Magkasunod ang Asian title ang naiuwi ng Rio de Janeiro Olympian na si Suarez kung kaya ay hinog na siya sa bigtime boxing na kinabibilangan ng mgs pinaka-astig na fighter sa mundo kung saan ang kanyang kalibre ay magkatuwang na inihasa sa ensayo ng kanyang buddy-buddy trainer coach na si Armyman Delfin Boholst at iba pang sparring partners na military boxers.
Si Private Charly ay agad na babalik sa kanyang training camp sa AFPOVAI makeshit gym upang paghandaan na ang pinakamalaking challenge niyang laban sa mundo kung saan ang kanyang nakaraang panalo ang naglagay sa kanya sa hanay ng mga contenders sa daigdig.
“Ready na si Charly sa mundo.Sa kanyang kundisyon ,lakas at speed ay optimistiko tayong magkakaroon uli ang Pilipinas ng world boxing champion,salamat sa lahat ng suporta sa misyong ito”,positibong wika ni Boholst.
Pinapanalig naman ni Suarez sa Maykapal at sa mga mahal sa buhay,tagasuportang pinansyal mula pribado at taga-pamahalaan ang napipintong magandang kapalaran na kanyang makakamtan sa larangan . ABANGAN!