Advertisers

Advertisers

Reporter ng Rappler ‘guilty’ vs ex-DA Sec. Piñol

0 166

Advertisers

HINATULAN makulong ng mula anim na buwan hanggang limang taon ang reporter ng Rappler na si Frank Cimatu sa kasong Cyber libel.

Sa desisyong inilabas ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 93, napatunayang ‘guilty’ si Cimatu.

May kinalaman ang kaso sa umano’y mapanirang Facebook post ni Cimatu laban kay dating Agriculture Secretary Manny Piñol noong 2017.



Sa reklamo ni Piñol noong September 2017, nasira aniya ang kanyang reputasyon sa post ni Cimatu na nagsasaad na “Agri Sec. got rich by 21m in 6 months. bird flu pa more”

Dahil dito, pinagbabayad din si Cimatu ng P300,000 bilang moral damages na idinulot ng malisyoso nitong post sa social media laban kay Piñol.

Si Cimatu ang pangatlo sa journalist ng Rappler na nahatulang ‘guilty’ sa Cyber libel.