Advertisers
NAKUMPISKA ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa koordinasyon ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 ang humigit-kumulang 10.5 kilo ng karne ng pato at baboy mula China nang walang kaukulang dokumento ng import at health permit.
Sinabi ni BAI-NAIA Head Doctor Karen Grande na ang 10.5 kilo ng karne ay binubuo ng 6.5 kilo ng duck meat at 4 na kilo ng port meat balls ( check-in luggage) na dinala sa bansa ng isang Chinese na pasahero na nagmula sa Xiamen lulan ng Xiamen Airlines flight MF-819 noong nakaraang Martes, Disyembre 13,2022 nang walang kinakailangan import at health permit nang tanungin ng customs examiners sa counter.
Ipinaliwanag ni Grande na ipinapatupad pa rin ng kanilang tanggapan ang rules and regulation policy na walang import at walang health permit ang kukumpiskahin sa port of entry.
“ We are trying to protect our animal industry againts the foot and mouth disease (FMD) from other countries. The said confiscated meat will be burned.” Ani Grande. (JOJO SADIWA)