Advertisers

Advertisers

MABALACAT, GAMBLING CAPITAL NG PAMPANGA!

0 342

Advertisers

Sino kaya ang ungas na alkalde ng Mabalacat,

Pampanga?

Bakit kaya prayoridad ng mayor na ito ang pagsusulong ng kultura ng pagsusugal?



FYI my dear readers, namumutiktik ang ang mga puwesto ng color games at drop ball sa mga peryahang may sugal sa nasabing bayan.

Naturalmente,hindi makakapangyari sa isang lokalidad ang ganito kalaking katarantaduhan kung walang basbas ang alkalde ng nasabing lugar.

Pati ang Christmas Village na pamosong atraksyon ng Mabalacat ay hinaluan pa rin ng puwesto ng mga pasugal na may daya ng mga operators ng perya.

Wala bang awa at habag ang kung sino mang tolonges na mayor na ito sa kanyang mga constituents?

Nagiging biktima ang kanyang mga kaawa- awang kababayan ng mga dayong peryante na ang opisyo ay higupin at hakutin sa pamamagitan ng kanilang pasugal na may daya ang pinaghirapang pera ng mga taga- Mabalacat.



Bakit pinahintulutan ng nasabing ungas na punongbayan na tarantaduhin ng mga dayo ang kanyang mga kababayan?

Dahil nga lamang ba sa pagkasakim sa kuwarta?

Hambog ang mga perya operators na ito at ipinangangalandakan na daang libong piso ang inihatag umano ng mga ito sa nasabing alkalde bilang goodwill.

Pati kapulisan ng Mabalacat,Pampanga Police Office at ang PNP Region 3 Command ay kaladkad din sa pagbibigay ng proteksyon sa mga iligal na pasugalang ito.

Bundat daw sa intelehensiya o payola ang chief of police,provincial Director at maging si RD o si regional director ng PNP Region 3.

Tatlong kupaling pulis na may aliases na JUN CRUZ,RANIEL at PARAK Ang nagsisilbing kolektor ng payola ng PNP.

Hanggang mga opisina sa Kampo Crame ay ipinangongolekta ng tatlong kupal na ito.

Hindi na tayo magtataka kung pati ang Office of the Chief PNP ay ikinokolekta na rin ng tatlong KUPAL na ito.

Dyan magaling si Gen.Rodolfo Azurin Jr.,ang sumahod nang sumahod kaya naman sadyang inutil kapag illegal gambling na ang usapan.

Parang tanga lamang na walang alam sa mga nangyayari.

Sa Dau naman partikular na sa isang pribadong plaza sa tapat ng Sogo hotel at Xevera na kalapit ng simbahang Our Lady of Sorrow,high stake gambling din ang dinarayo doon ng mga highrollers na tahor o mga sugarol.

Siyempre naman,protektado rin ng mga awtoridad.

Sa halos araw- araw na pagbatikos ng media patungkol dito sa isyu ng “unabated” operation ng illegal gambling,kapwa tameme at inutil as in walang silbi itong sina DILG Sec.Benhur Abalos at PNP chief, Gen.Rodolfo Azurin!

Kapwa naging bulag at bingi sa katarantaduhang nangyayari.

Tumigas at kumapal ang mukha panabay marahil ng pagtaba ng kanilang mga bulsa.

Nalalantad ang tunay na pagkatao ng isang opisyal pag kuwarta na ang nangungusap.

Umiiral ang pagkagahaman sa pera at nagaamoy tae ang pagkatao at prinsipyo.

Hindi po ba DILG Sec.Benhur Abalos at Gen.Azurin sirs?

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com