Advertisers

Advertisers

P 3.8 MILYON ILLEGAL DRUGS NA ITINAGO SA 4 PARCELS, NABUKO SA BOC PORT OF NAIA

0 150

Advertisers

NATUKLASAN ng Bureau of Customs (BOC) sa Central Mail Exchange Center (CMEC) ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang iligal na droga na nagkakahalaga ng P 3,863.000 mula sa apat na inabandonang parcel na nagmula sa Estados Unidos,napag-alaman sa ulat ng BOC-Port of NAIA

Isang parsela mula sa Lancaster PA na ipinadala ng isang Cole Johnson na ipinadala sa isang claimant mula sa Paranaque City kung saan dumating sa CMEC warehouse noong Disyembre 31,2021 at sinuri noong Enero 3,2022 ay naglalaman ng 47 cartridge na may 1000 mg ng cannabis oil, 14 na piraso ng medicated nerds rope. Ang mga ito ay idineklara bilang mga kahon ng candies.

Ang 2nd parcel mula naman sa Arcadia, California na dumating noong May 26,2022 at nasuri noong May 31,2022 ay idineklara bilang Escape Room Game na ipinadala naman ni Claire Vance at naka-consign sa isang residente ng Malate sa Maynila. Ito ay naglalaman ng 120 pirasong cartridge na may 1000 mg na cannabis oil.



Ang 3rd parcel na dumating noong Mayo 30,2022 at nasuri noong Mayo 31,2022 mula sa South Pasadena, California na ipinadala ni John Baker na naka-consign sa isang residente ng Paco, Manila ay naglalaman ng 150 piraso ng cartridge ng cannabis oil na idineklara naman bilang Blanc Puzzle.

Ang ika-4 na kargamento ay dumating noong Oktubre 28,2022 at sinuri sa parehong araw mula sa France na ipinadala ni Juan Rellores Villares na naka-consign sa isang residente ng Manggahan,Pasig City ay natuklasang may 2,040 piraso ecstacy tablets kung saan ay idineklara bilang foot massage device na nagkakahalaga ng P 3,468.000

Ang pagkakadiskubre ng BOC-Port of NAIA sa mga illegal drugs at pagkumpiska ng NAIA -Inter Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay dahil sa walang tigil na pagmamatyag sa mga ipinagbabawal na kalakalan na nais ipuslit papasok sa bansa.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga taong nasa likod ng drug syndicate. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">