Advertisers
PASKO na festival pa ang euphoria ngayon sa maunlad na lalawigan ng Ilocos Sur.
Nakatakda nang sumambulat ang pinakamalaking sports spectacle sa bansa matapos ang krisis na dulot ng pandemya at ito ay magaganap sa Norte,sa balwarte ng mga SISON- ang 2022 PSC Batang Pinoy Games na unang grassroot sports program na kapit – bisig na inorganisa ng Philippine Sports Commission sa pamumuno ni Chairman Noli Eala at ini-host ng Provincial Government of Ilocos Sur sa pangunguna ni Gov.Jerry Sison at opkors suportado ni political Kingpin ng bansa na si Chavit Singson.
Unang matutunghayan nang face- to -face action ang mga batang atleta ng bansa sa naturang sports festival na timing pa sa panahon ng Kapaskuhan.
Full force din ang media coverage sa naturang kaganapan na nagpu- promote din ng sports tourism sa bansa. Ang Ilocos Region ang siyang balwarte ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos at tiyak sanang naroon personal si Presidente kung wala siya sa biyahe para sa Asean EU Summit.
Pero nandiyan naman ang mga SISON na pamoso sa pagiging hospitable at tiyak na mula sa pagdating hanggang paguwi ay uuwing nakangiti ang bawat delagasyon saan man parte ng bansa sila nanggaling. Tunay na SISON’s greetings…ABANGAN!