Advertisers

Advertisers

2 Tulak huli sa Quezon City

0 276

Advertisers

SWAK sa kulungan ang dalawang tulak nang mahulihan ng iligal na droga sa isinagawang anti-criminality campaign ng mga pulis sa kahabaan ng Araneta Avenue, Quezon City Huwebes ng umaga.

Kinilala ni PLTCOL. Garman Manabat, hepe ng Quezon City Police District  QCPD) station 1 Laloma ang mga nadakip na sina Lynn Tamondong, 44 anyos, residente ng Ilalim ng Tulay, Quirino Hiway, Brgy. Balon Bato, QC; at Joseph Tanoan, 38 anyos ng Brgy. Manresa, QC.



Ayon kay PSSg. Raymond Fallarme investigator ng Laloma police nadakip ang mga suspek sa kahabaan ng G.Araneta  Avenue, Brgy. Manresa, QC 6:30 ng umaga December 15, 2022 (Huwebes).

Nabatid kay Fallarme na nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng Laloma Police sa naturang lugar nang maispatan ang mga suspek  habang nag-aabutan ng iligal na droga (shabu) kaya agad dinakip ang mga suspek nina PSSg. Elmer Villegas at Pat. Oscar Allan Pedro.

Nakuha mula sa mga suspek ang may tinatayang P2,000.00 halaga ng shabu at P300.00 na pera.(Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">