Advertisers
Ni MERCY LEJARDE
HANDOG ng Star Music artist na si Angela Ken ang iba’t ibang kwento tungkol sa buhay teenager, pagkakaibigan, at self-love sa modernong panahon sa kanyang bagong labas na self-titled debut single.
Habang isinusulat niya ang mga kanta rito, nagbalik-tanaw ang rising singer-songwriter sa kanyang naging pagsisimula sa industriya.
“Kailangan mong balikan palagi kung saan ka nagsimula, kung ano yung naging pundasyon bakit ka na nasa sitwasyon mo ngayon, at bakit ganito karami ang sumusuporta sayo,” saad ni Angela sa naganap na mediacon para sa kanyang album.
Nilalaman ng “Angela Ken” album ang dalawang bagong kanta na “Buti Pa Noon” at “Payapa Lang” at anim na singles na naunang inilabas kabilang ang “Ako Naman Muna,” “Dagdag Na Alaala,” “It’s Okay Not To Be Okay,” at “Sila Pa Rin.” Tampok din dito ang “Akala Maling Akala” na narinig sa teleseryeng “2 Good 2 Be True” at “Kontrol” na bahagi naman ng soundtrack ng “Click Like Share.” Si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo na siyang nakadiskubre kay Angela sa TikTok ang nagsilbing producer ng album.
Bukod sa paglunsad ng kanyang debut album, nag-uwi rin ng parangal kamakailan ang “Lyric and Beat” star para sa kantang “Ako Naman Muna” na nanalo ng Best Inspirational Song sa Awit Awards 2022 at para sa kantang “It’s Okay Not To Be Okay” na itinanghal bilang Best Secular Song sa naganap na 44th Catholic Mass Media Awards (CMMA).
“Hindi ako nag-expect pero syempre nagdasal ako. Hindi ma-process ng utak ko na kanta ko yung sinabi na nanalo. Cloud nine talaga yung feeling ko at nakasama ko pa yung nanay ko kaya hindi ko nakontrol yung iyak ko. Sobrang speechless pa rin ako hanggang ngayon,” kwento ni Angela sa kanyang karanasan sa Awit Awards kung saan isa rin siya sa mga performer.
Damhin ang sentimental vibes ng self-titled debut album ni Angela Ken na napapakinggan sa iba’t ibang digital streaming platforms at panoorin ang lyric video ng “Payapa Lang” na napapanood sa YouTube. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.
***
Samantala humamig na ng 1 milyon online views ang…
YOUTUBERS NG IBA’T IBANG BANSA, PINURI ANG SIGNAL SONG NG DREAM MAKER NA “TAKE MY HAND”
Yes, Sir! Umani ng papuri mula sa banyagang YouTube vloggers na sina Alex Oh,Wilson Chang, Jeevan, Volkan Dağcı, at iba pang content creators ang ipinerform na signal song ng Dream Chasers ng “Dream Maker” na Take My Hand na ngayon ay nakakuha na ng isang milyong online views.
Bilib na bilib nga ang kilalang YouTubers sa magandang camera angles at production quality ng music video pati na rin sa talento ng 62 na Dream Chasers ng kauna-unahang idol survival show sa bansa.
Ang “Take My Hand’ ang naging unang challenge sa Dream Chasers para malaman ang kanilang abilidad sa pagkanta at pagsasayaw matapos ang unang evaluations.
Samantala, nagsimula na rin ang unang misyon ng Dream Chasers kung saan hinati sila sa sampung grupo at maglalaban-laban sa isang head-to-head challenge. Ang resulta ng kanilang unang misyon ang magiging batayan sa rankings at ang mga matatanggal sa kompetisyon.
Laging trending at maugong ang pinag-uusapang unang idol survival show ng bansa ng ABS-CBN, MLD Entertainment, at Kamp Korea Inc. mula noong ito ay inilunsad noong Nobyembre. Pinupuri ng netizens angmaganda nitong production, set, stage design at camera work pati na ang mga sikat na Korean at Pinoy mentors.
Huwag palampasin ang unang misyon ng Dream Chasers at panoorin ang “Dream Maker” tuwing Sabado at Linggo, 9:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, and TFC IPTV. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @Dreammakerofc sa YouTube, Facebook, Instagram, Twitter, at Tiktok.
“”*
Niwey dumako naman tayo sa Darna TV series…..BRIAN, NABUKO NA ANG LIHIM NI NARDA
Alam na sa wakas ni Brian (Joshua Garcia) ang pinakatatagong lihim ni Narda (Jane De Leon) at ito nga ang nagdala sa kanila sa pag-ibig na inaasam-asam sa “Mars Ravelo’s Darna.”
Hindi napigilan ni Narda na mag-transform bilang Darna para mailigtas si Brian sa pagkamatay sa nangyaring insidente sa dalawa noong Lunes (Dis. 12). Napagtanto na ng magiting na pulis ang mabigat na responsibilidad ni Narda na siyang dahilan ng naunsyami nilang pag-iibigan noong una.
Paano naman kaya ito makakaapekto sa relasyon ni Narda sa kanyang pinakamatalik na kaibigan na si Regina/ Valentina (Janella Salvador) na sunud-sunod na ang pagpatay na ginagawa habang nagsisikap makilala kung sino ang nasa katauhan sa likod ni Darna?
Higit pang lumala ang galit ni Regina kay Darna pagkatapos niyang pumunta sa isang art exibit kung saan may eksena ang real-life fans ng serye at Darna at Valentina cosplayers na sina Jay Cayabyab at Andy Crocker na pinakitang wagi si Darna kay Valentina.
Tumindi pa ang inis niya nang makita ang isang sculpture na nagpapakita rin na si Darna ang panalo laban kay Valentina. Gawa naman ito ng Pinoy artist na si Jef Ablea.
Sa tulong ni Ding (Zaijian Jaranilla), patuloy rin si Narda sa paghahanap ng tao sa likod ni Valentina. Magtagumpay na kaya siya ngayon o mananatili siyang bulag dahil sa kanilang pagkakaibigan?
Samantala, mas pinalakas na Extra ang umaaligid sa Nueva Esperanza ngayon na meron nang superpowers sina Andrei (Young JV) at Noah (Paolo Gumabao) na parehong puno ng galit dahil sa kanilang kinahinatnan.
Huwag palampasin ang mga exciting na kaganapan sa “Darna,” Lunes hanggang Biyernes, 8 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5. Available rin ang ABS-CBN series na prinodyus ng JRB Creative Production sa iWantTFC at TFC. Para sa iba pang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook at Twitter (@JRBcreativeprod) at sa Instagram (@JRBcreativeproduction).
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.