Advertisers
Ni WALLY PERALTA
KUNG ang ibang celebrity ay sa kanta o emote dinadaan ang kanilang emosyon o moving-on, puwes ibahin ang drama ni Carla Abellana. Poet lang naman ang kanyang peg, sa tula niya kasi dinaan ang kanyang feelings of moving on.
Open si Carla na sa ngayon ay sa sarili na muna niya pino-focus ang kanyang buong oras. Andiyan yung bisi-bisihan siya sa mga ginagawa niya sa araw araw and holding on to the love of God, her family, friends, and dogs, o di ba nga isa siyang certified fur mommy.
Sa kanyang social media account sa You Tube ay nag-release si Carla ng isang visual poem na may pamagat na “Mahinahon”.
In her caption, sinabi niya na ang “Mahinahon” is incomparable and the letters of a new life. Her visual poem talks about self-love and overcoming the pain of the past. Narito ang ilang paragraph sa kanyang tula:
“Nandito na tayo
Banayad na ang mga alon
Sa pusong hinamon ng kanyang pag-ahon
Mahinahon
Salitang walang kapantay
Mga letra ng bagong buhay
Binaybay
Ang karagatan
Na hinagupit ng kalungkutan
Ngayo’s nakatindig sa dalampasigan
Hanggang dito na lang tayo
Sa hangganan ng ikaw at ako
Magkasamang hinulma ang bukas
Magkatabing hinabi ang wakas.”
Gora na lang sa YouTube account ni Carla sa kabuuan ng tula.
***
WALANG duda na pagdating sa mga pelikulang may high technicality ay hindi pahuhuli si direk Raymond Red at kahit abala pa rin siya sa pagdidirek ay heto na ang kanyang anak na si Mikhail Red na sumusunod sa kanyang yapak.
Marami-rami na rin nadirek si direk Mikhail na ang latest ay ang high tech horror entry ng Viva Films sa 2022 Metro Manila Film Festival na pinagbibidahan nina Nadine Lustre, Mccoy de Leon, Louise delos Reyes at Jeffrey Hidalgo.
Sabi nga may malakas na tsansa sa box office ang “Deleter” since tinatangkilik kada MMFF ang mga pelikulang may temang horror. And to think bukod tangi ang “Deleter” ni direk Mikhail sa horror entry this year.
“Well, we’re hoping na sana, magkatotoo,” he says. “Let’s pray that moviegoers will really come back to watch movies in actual theaters during this film festival.”
Sa palagay kaya ni Direk Mikhail, malaki ang pag-asang makopo ni Nadine ang best actress award?
“We can only hope na sana nga, mapansin. But it’s difficult to say as we have not seen the other entries. We’re sure the other directors and actors also did their best. Mahirap mag-compare kasi iba-iba ang genre.
“Let’s just pray na lahat ng entries, panoorin ng viewers,” say ni direk Mikhail.